CHAPTER 56

163 12 3
                                    

CHAPTER 56
Time Traveling 

"KUYA, ayos ka lang ba? Pwede namang tumigil na muna tayo lalo na kung nanghihina kang ganyan." 

Pinisil ko ang kanang kamay ni Kuya na hawak hawak ko. Pabilog kasi kami ng pagkakaupo dahil nag umpisa si Kuya sa pagpapakita samin ng nakaraan ng mga magulang namin sa Academy gaya noong ginawa ko dati sa kanila. Nakarating na kami sa parte kung saan nagsakripisyo ang Mama nila Sir Sendo na ikinangilid naman ng luha ni Sena. Hindi niya manlang nakasama ang Mama niya habang lumalaki siya.

"Hmm, mabuti pa nga ay magpahinga na muna tayo, lalo ka na, Koku. Masyadong nakakaubos ng lakas ang paggamit ng Tokushu Nōryoku mo. Maraming araw pa naman tayong mananatili rito kaya may iba pang pagkakataon," ani Ate Sho bago ito tumayo mula sa pagkakaupo.

Madaling araw na rin kasi kaya naman paniguradong pagod na ang lahat, lalong lalo na si Kuya.

Tumayo ako bago hinila ang braso ni Kuya, "Tara, Kuya, ihahatid na kita sa kwarto mo," sambit ko. Mababakas kasi ang pagod sa mukha nito.

Tumayo si Kuya bago sabay kaming naglakad paakyat sa mga silid. Mabuti nalang din at malaki ang bahay na 'to kaya naman paniguradong hindi kami mahihirapang magpahinga.

Nang makarating kami sa ikalawang palapag ay tumigil si Kuya na ikinatigil ko rin.

"Bakit?" tanong ko.

"Saan ang tutuluyan mo? Do'n nalang din ako dahil may pag-uusapan pa tayong importante. Babantayan din kita para mapalagay din ako, Mirai." 

Hindi ako tinawag na Lil Sis ni Kuya, mukhang seryoso ang pag uusapan namin. Tumango nalang ako bago pumasok sa unang silid na naro'n. 

"Anong pag uusapan natin, Kuya? Hindi ba pwedeng ipagpabukas na 'yan? Magpahinga ka na kaya muna."

Umiling si Kuya bago naupo sa sofa na naro'n. "Importante 'to, Mirai. Ikaw ang pakay ng mga kalaban kaya nga inuna ka nang ialis ng Academy," pag uumpisa ni Kuya. Ako? Hindi ba't pareho lang naman kami ni Hira na inunang ialis ng Academy?

Umupo rin ako sa katabing upuan nito, "Ako? Bakit ako?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi pa rin ako sigurado kung bakit at kung sino sino ba talaga ang mga kalaban. Idagdag pang nabugbog ako sa training namin ni Papa at hindi pa ako gaanong nakakabawi ng lakas. Ngayon ko palang din nasusubukang makita ang nangyari sa nakaraan ng walang ginagamit na memorya ng ibang tao at ang ipakita ito sa iba."

Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero hindi ko maiwasang humanga kay Kuya. Nagagawa na niyang makita ang mga gusto niyang makita nang mas malalim at mas detalyado, hindi gaya ko na pakonti konti na nga lang ay putol putol pa.

"Mirai," binasag ni Kuya ang katahimikan. "May nararamdaman akong hindi tama." 

"Ano?" tanong ko kay Kuya dahil napaiwas ito ng tingin matapos niyang bitawan ang mga sinabi niya.

"Napag alaman ko kasing maraming nagtatraydor sa loob ng Academy at hindi rin maitatangging baka mayro'n tayong nakakasamang nasa mga kalaban ang panig. Hindi ko gustong maghinala pero malakas ang pakiramdam kong may kasama tayong nagtatraydor sa Academy," mahabang litanya ni Kuya.

"'W-Wag na muna tayong magbintang, Kuya, kilala naman natin ang mga kasama natin."

Nilingon ako ni Kuya, "Paano pala kung hindi? Paano kung pagpapanggap lang ang lahat?" tanong nito na nagpakaba sa akin. 

Hindi ko maisip na may magtatraydor ni isa man mula sa mga Tokushu na kasama ko.

"Sige na, ipagsawalang bahala mo na ang sinabi ko lalo na kung mapi preoccupied ka lang ng ganyan. Baka dahil lang 'to sa stress at pagod kaya ako ganito. Magpahinga ka na sa kama, dito na ako sa sofa," ani Kuya bago ito tumayo at saka pumasok sa banyong nasa loob ng kwarto.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon