CHAPTER 73

104 11 0
                                    

CHAPTER 73
The Confrontation

NAPANGISI nalang ako nang matanaw ko si Gunshi at Ishi na papalapit sa akin. Tamang tama, dito kami nagpang abot sa field. Magandang lugar 'to para sa isang laban.

Madilim ang mukha at matalim ang tingin sa akin ni Gunshi. "Nasaan ang anak ko?" mariing tanong nito sa akin.

"Saan mo dinala ang mga nawawalang Tokushu, Reki?" tanong naman ni Ishi na buntot kay Gunshi.

Mas nilakihan ko pa ang pagkakangisi ko. Napakasarap sa pakiramdam na makita silang ganito. "Bakit ko sasabihin sa inyo? Gamitin niyo kaya ang mga mata niyo sa paghahanap," sambit ko.

Kumuyom ang mga kamay ni Gunshi, what a sight. Nakakatuwa talagang makita ang mga taong palaging kalmado kapag napipikon at hindi na nakakapagtimpi.

"Sumagot ka ng maayos, Tereki," nagbabantang ani Gunshi. Hindi naman ako takot dito. Hindi niya ako madadaan sa ganyang pananalita niya.

"Ang pangit ng tonong ginagamit niyo sa pakikipag usap sa akin, Gunshi, Ishi. Hindi ba't kayo ang may kailangan sa akin?" nanunudyong sambit ko.

Mas dumilim lalo ang mga mukha nila na ikinalaki ng ngisi ko. Hmmm, ganyang ganyan din ang itsura kanina ni Koku, e. Mag ama nga sila.

"Tarantado ka!"

Sa gulat ko ay hindi ko naiwasan ang suntok na iginawad sa akin ni Koku. Anong ginagawa niya rito?

Napapunas nalang ako sa gilid ng labi ko nang makamdamanan kong may dugong tumulo mula rito. Paano siya nakapunta rito sa basement ng building ko?

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" sigaw pa nitong muli bago umastang susuntikin akong muli.

Tama na ang isa. Agad kong sinangga ang kamao nito. Masyadong mahina ang pisikal na lakas niya kung ikukumpara sa akin.

"Anong sinasabi mo, Koku? Napano si Mirai?" tanong ko. "Saka paano ka nga pala nakapunta rito?"

Nagpanggap akong kalmado at inosente. Namaster ko naman na ang pagpapanggap na ganito kaya naman maliit na bagay nalang ito ngayon.

"'Wag ka nang magpanggap, Reki! Alam ko ang totoo!" ani Koku bago iwinaglit ang kamay niya.

Alam niya ang totoo? Kung gano'n naman pala'y 'di ko na kailangang mag ala anghel.

"Ano naman kung alam mo na? Wala ka naman ng magagawa, Koku. Huli na," nakangisi nang ani ko.

Mas dumilim ang mukha nito at saka tumalim pa lalo ang tingin sa akin. Too brave much braveness means nothing.

Biglang sumugod sa akin si Koku. Ano bang iniisip nito? Na matatalo niya ako sa pasuntok suntok niya? Nakatyamba lang siya kanina.

"Tumigil ka nga," mariing saway ko rito. Marami pa akong dapat asikasuhin kaysa sa pagsangga at pag ilag sa mga atake niya.

Hindi nagpapigil si Koku. Napakatigas ng ulo.

Sinabayan ko ang atake ni Koku. Hindi niya ineexpect 'yon, sigurado ako dahil agad ko itong tinamaan ng magkakasunod.

Mabilis na nilagyan ni Koku ng distansya ang pagitan naming dalawa. Masama pa rin ang titig nito habang naghahabol ito ng hinga niya at pinupunasan ang gilid ng labi niya.

"Wala akong panahon sa 'yo, Koku," sambit ko.

"Anong binabalak mo? Anong proyekto ang ginagawa mo?" tanong ni Koku.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon