GLIMPSES OF THE PAST 7

165 11 0
                                    

GLIMPSES OF THE PAST 7
Reon And Chiteki

"AALIS muna kami, Reon. Iiwan muna namin sa 'yo sina Sho at Shin, ah?" ani Mushi na ngiting ngiti pa sa kanyang kaibigan.

Reon nodded his head bago ibinalik ang ngiti sa kaharap na si Mushi. "Sige, ako na muna ang bahala sa kanila. Pupunta rin panigurado rito sina Kiddo at Seno para kalaruin ang mga anak niyo," naiiling na anito, naiimagine ang ingay at gulo kapag dumating na ang dalawa pang batang binanggit.

Natawa naman si Mushi dahil dito, "Basta, ah? Babalik din naman kami kaagad. Kailangan lang talaga naming daluhan nila Jikan ang Kaigi," sambit nito.

Ang "Kaigi" ay ang taunang meeting na isinasagawa ng mga lider at representative ng mga hindi pangkaraniwang paaralan gaya ng Tokushu Nōryoku Academy. Kung napanood niyo ang anime na 'Naruto' ay maaari niyo itong ihalintulad sa mga meeting na isinasagawa ng mga Kage.

Nginitian nalang ni Reon ang kaibigan bago lumapit dito para kargahin si Shin na mahimbing na natutulog. Marahan itong hinele ni Reon nang kanya itong mabuhat habang si Sho naman ay tahimik na nakaupo lamang sa sofa at naglalaro ng mga laruin niyang hugis halaman.

"Sige na, umalis na kayo, Mushi, Dobutsu, at baka mahuli pa kayo sa Kaigi," pagpapaalis ni Reon sa mag asawa.

Tumango naman si Mushi kay Reon bagama't nanatiling matalim ang tingin dito ni Dobutsu. 'Ano na naman ba ang problema niya?' sa isip isip ni Reon.

Mabigat na bumuntong hininga si Dobutsu bago nagsalita, "'Wag mong hahayaan na dikitang maigi ni Seno ang anak ko, ah!" anito kay Reon na nagpatawa naman sa huli.

"Ano ka ba naman Dobutsu? Mga bata pa ang mga 'yan! 'Wag mong lagyan ng malisya ang pagiging malapit nila sa isa't isa!" saway ni Mushi kay Dobutsu bago mahinang tinampal pa ang balikat ng kanyang asawa.

Napakamot naman sa ulo niya si Dobutsu, "Tch! Kahit na bata pa sila, ayokong may ibang dumidikit maigi sa anak ko!" angil ni Dobutsu.

Iiling iling naman si Mushi bago iniangkla ang braso niya sa braso ng asawa. Sinenyasan ulit ni Reon ang mga kaibigan na magsialis na at baka magising pa si Shin. 'Kapag tinoyo si Shin dahil sa ingay ng mga magulang niya ay talaga namang kay inam!' sa isip isip muli ni Reon.

Kumaway nalang sa huli si Mushi bago hinila na ang asawa niya papalabas ng bahay ng kaibigan. Tinitigan muna saglit ni Reon si Shin na payapang natutulog sa kanyang mga braso. 'Napaka cute talaga ng batang 'to! Kailan kaya ako magkakaroon ng sarili kong anak?' tanong ni Reon sa kanyang sarili habang napapailing nalang din sa sarili.

"Chamereon?"

Agad namang napalingon si Reon sa pamilyar na boses at pagtawag sa kanya ng kanyang nobya. Nasa may pinto ito at nakasilip sa loob ng kanyang bahay habang bitbit bitbit ang isang malaking picnic basket. 'Mag-aaya ba siyang makipagdate sa akin?' sa isip isip ni Reon na hindi na maitago ang ngiti.

"Love! Pasok ka, pasensya na at medyo magulo," aya nito sa nobya upang pumasok na sa kanyang bahay. "Kumusta? Tapos na ba ang pag aayos ng bahay nila Kabe at Rufu?" tanong pa nito.

Nginitian naman siya ng nobya niya, "May mga inaayos pa pero kaya na nila 'yon kaya naman umalis na ako," sagot nito bago inilapag ang basket na dala sa ibabaw ng dining table.

Tumango tango si Reon, "Hmmm, e, bakit may bitbit kang basket? Aayain mo akong magpicnic?" tanong nito.

Tumawa naman ang nobya niya bago inilabas ang mga laman ng basket niya, "Hindi no!" tanggi nito kaagad. "Maglalagay lang ako ng stocks ng pagkain dito sa bahay mo lalo na at alam ko namang paubos na ang laman ng fridge mo!" pagpapaliwanag pa nito.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon