CHAPTER 53

140 12 0
                                    

CHAPTER 53
We're All on Your Side

DAHAN dahan akong nagmulat ng mga mata nang maalimpungatan ako dahil sa pag alog na hindi ko alam kung saan nagmumula. Nasaan ako? Pilit kong inalala kung ano ang huling nangyari sa akin at saka ko napagtanto na nakidnap ako. What the heck?! Hindi ba panaginip 'yon? At sino' 'tong nagpapasan sa akin?

"You're finally awake, huh?"

Napaayos ako ng upo nang magsalita ang lalaki. Ito ang lalaking kumidnap sa akin kahapon at tandang tanda ko pa na kahawig na kahawig niya si Kuya Ani, ang kapatid ni Shinyu.

"You look funny," sambit nito na sa tingin ko'y ngumisi pa. Bagama't magkamukha at magkaboses sila ni Kuya Ani ay hindi maitatangging magkaiba ang aura nilang dalawa.

"W-Who are you?" nauutal na tanong ko. Hindi ako makababa dahil hanggang ngayon ay may nakabalot sa aking kulay itim na bagay. Hindi naman ito mahigpit ngunit hindi rin maluwag. Sapat lamang para hindi ako mahulog mula sa pagkakapasan.

"Don't I look familiar, Mirai? Hindi mo na ba makilala ang Kuya Ani mo?" sambit nito.

Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko. Kakaiba ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Hindi naman siya orihinal na ganito.

"A-Anong kailangan mo sa akin?" nauutal muling tanong ko. Doon ko lang napagtanto na nasa gitna kami ng gubat. Kakaiba ang aura sa gubat na ito kumpara sa mga napuntahan ko na. Wala kang maririnig na tunog, nakabibingi ang katahimikan.

Hindi ako kaagad sinagot ni Kuya Ani. Ano ba talagang nangyayari? Hindi ko pa rin lubos na maunawaan ang nangyayari. Bagama't magkaiba ang pagkakakilala ko kay Kuya Ani at sa inaakto ng taong kasama ko ngayon ay hindi ako makaramdam ng takot sa kanya. Lumamang na ang pagtataka ko kaysa sa kaba.

Nagulat pa ako at halos mapatalon nang bigla siyang tumawa, "Joke lang, Mirai! Hahahahahaha pwede na ba akong kontrabida?" malakas na sambit nito habang tumatawa.

Doon ako tuluyang napangiwi, anong kalokohan ba 'to?

Inis na hinampas ko si Kuya Ani sa likod, "Kuya Ani! Nakakainis ka kamo!" sigaw ko pa. Naiirita talaga dahil nakakatakot yung pagkidnap niya sa akin!

Tumawa pa ito ng mas malakas, "Pasensya ka na. Hahahahahahhaa napag utusan lang ako," sambit nito. Utos? Sino namang nag utos sa kanya at saka ano 'to? Bakit may Tokushu Nōryoku din siya?

"Sinong nag-utos sa 'yo? Saka bakit may Tokushu Nōryoku ka rin? Ano bang nangyayari, Kuya Ani?" magkakasunod na tanong ko.

"Hmmm, ang dami mo namang tanong, Mirai. Kagigising mo palang pero ang daldal mo na kaagad. Hindi ka naman gan'yan noon, ah?"

Napapikit ako sa inis. Ito! Ito ang Kuya Ani na nakilala ko noon. Puro kalokohan bagama't may pagkaseryoso rin naman sa piling mga bagay.

"Kuya Ani!" naiinis na sigaw ko bago siya hinampas muli sa balikat.

Tumawa itong muli, "Ikwekwento ko na sa 'yo, okay? 'Wag kang manghampas, Mirai, at masakit. Ang bigat bigat mo, kanina pa kita pasan pasan," anito. Hindi ko alam kung seryoso siya o nanloloko, e.

"Okay," napipilitang sagot ko.

Tumawa ito ulit ng bahagya, "By the way, 'wag mo na akong tawaging Kuya Ani, pwede na yung Kage. That's my real name," sambit nito.

Huh? "Sige?" sagot ko ito.

"Sige magkwekwento na ako at mukhang inip na inip ka na," sambit nito na hindi ko naman na sinagot pa. "Bale, ganito kasi 'yan, Mirai. Ipinadala kami ni Hikari para samahan ka habang hindi pa oras upang bumalik kayo ng Mama mo rito sa Tokushuna," pagpapatuloy nito.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon