CHAPTER 52

143 12 0
                                    

CHAPTER 52
Who are the Enemies?

"WHERE'S Rei?"

Sabay kaming lumingon ni Sena kay Ian nang magsalita ito. Malapit nang matapos ang program ng Party ni Mirai ngunit wala pa rin sila Koku. Maging si Rei ay hindi rin namin alam kung saang lupalop na naman nagpunta. Sabagay, palagi rin naman kasing nawawala at sumusulpot nalang 'yon bigla.

"Hindi namin alam. Simula kanina ay kami lang nila Hira ang magkakasama," sagot ni Sena bago nagkibit balikat.

Kumunot naman ang noo ni Ian bago saglit na nag isip. "Nakasalubong ko siya kaninang umaga sa field. May dala dala pa nga siyang malaking box tapos nang tinanong ko ay sinabi niyang para 'yon kay Mirai," nagtatakang tanong sambit ni Ian.

"Eh, baka may dinaanan pa at papunta palang dito. Alam mo namang minsan ay kakaiba ang trip no'n," kalmadong sagot ni Sena.

Nakakapagtaka naman 'yon. Magmula kasi nang dumating sila Mirai dito sa Academy ay hindi na nawawala nalang nang basta basta si Rei. Anong mayro'n at kung kailan birthday ni Mirai ay saka siya mawawala?

"Hmmm, pero tandang tanda ko ang bitbit niyang box, e. Kahawig na kahawig no'ng nasa ibabaw," sabi ni Ian sabay turo sa pulang box na may malaking ribbon na nakalapag sa lagayan ng mga regalo.

Eh? Magmula kanina ay hindi ko nakita si Rei. Nang mag umpisa ang Party ay hindi naman na ako umalis ng pwesto ko kaya malabong hindi ko siya mapansin lalo na at nasa harapan lang ng table namin ang lagayan ng mga regalo.

Nagtaka rin si Sena bago nilaro laro ang chains na nakasabit sa purse niya. "Hindi ko pa siya nakikita. Simula nang maglagay ang mga bisita ni Mirai ng mga regalo ay naaagaw no'n ang pansin ko kaya bakit hindi ko mapapansin si Rei?" nagtatakang wika nito.

Inabot ni Ian ang baso niyang may lamang juice bago ito ininuman. "Baka namalikmata lang siguro ako kanina. Baka hindi naman 'yan ang regalo ni Rei," sambit nito.

Saglit pa naming tinitigan si Ian bago bumalik ng tingin kay Mirai na nasa unahan. Nagpapasalamat ito sa mga nagsidalo sa kanyang party.

"Lalabas lang ako sandali," wika ni Ian bago hindi na nito inintay pa ang sagot namin ni Sena dahil tumayo na ito at saka naglakad papalayo.

"Ang weird ngayon ni Ian," mahinang sambit ni Sena bago uminom ng tubig.

"Hmmm."

Nilingon ako ni Sena bago ito bahagyang lumapit sa pwesto ko para bumulong. "Hira, pupunta lang ako ng restroom sandali, ah?" pagpapaalam nito.

Tumango nalang ako bago pinanood ang bulto ni Sena habang papalayo siya ng papalayo.

Napabuntong hininga nalang ako nang mapagtantong ako nalang ang natira dito sa table namin. Bakit ba kasi wala pa si Koku?

*Ring* *Ring*

Napatalon ako ng bahagya nang magring ang telepono kong nakapatong lamang sa table. Sino naman kayang tumatawag?

Koku's calling...

Huh? Speaking of him, ang galing rin talaga ng timing niya.

"Hello?" bungad ko pagkasagot ng tawag.

"Hira---" naputol ang tawag nang hindi ko manlang nalaman ang sasabihin ni Koku.

Bigla nalang namatay ang telepono ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Tanda ko pang hindi naman low batt ang phone ko dahil iniwan ko itong nakacharge habang inaayusan namin si Mirai kanina. Nasira kaya ito?

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon