CHAPTER 17

398 34 1
                                    

CHAPTER 17
You can Tell Us

"WHERE'S the locker area?!"

Nagulantang ang mga kasama ko sa table noong sumigaw ako at basta basta kong ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak hawak ko.

"What? Why are you suddenly asking?" tanong sa akin ni Kuya Koku.

"Oo nga, what's with the locker area?" tanong din ni Hira.

"Hmmm," ani Sena habang ngumunguya pa rin ng pagkain.

Sinamaan ko sila ng tingin. "I said, where is it?! Tell me!" sigaw kong muli at saka ako tumayo. Nanatili silang mga nakamaang sa akin.

"Tara, I'll lead you there," ani Rei. Agad ko siyang nilingon at tumayo naman siya kaagad. Nagpasalamat akong bigla sa kanya sa aking isipan. Mabuti na lang at may madaling kausap sa table na 'to!

"Let's go, bago pa matamaan ng bala si Ian!" sigaw kong muli bago tumakbo na papalabas ng cafeteria.

Nagulat ako noong may biglang humarang sa aking daraanan. Si Sena! Paano siya nakapunta kaagad dito? Malayo na ako sa table at ang huling kita ko sa kanya ay nakaupo pa siya at kumakain, ah? She moved really fast!

"What are you saying, Mirai? I'm telling you, I don't tolerate lies. You won't like it when I'm mad," aniya. Hindi ko maintindihan pero nag-uumpisa na rin akong mairita. I need to be there right now! Bakit ba ayaw nilang makisama?!

"Bakit ba hindi kayo makaintindi? Get out of my way!" sigaw ko na ikinabigla nito. Nilagpasan ko siya at saka muling sumigaw, "Rei, let's go!"

Tumakbo naman si Rei papunta sa unahan ko at saka tumango. "Follow me!" aniya bago tumakbo ng mabilis. Tumakbo na rin ako at sinundan siya.

Tanaw tanaw ko ang dalawang batang nag aagawan sa baril. Bakit ba kasi nag aagawan silang dalawa?! Hindi ko rin talaga ma gets ang pag-iisip nila, e! Malayo pa kami, the heck! Malapit na nilang makalabit ang baril!

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, "Ian!" sigaw ko. Umaasang maririnig niya ang aking sigaw kahit na malabo 'yon.

*Bang*

Napatigil ako sa pagtakbo. Nakalabit na ng dalawang bata ang baril.

"Ah!" tinamaan na si Ian. Nahuli na naman ako. Palagi na lang.

"Let's go near them, Mirai! 'Wag ka munang ma down!" napaangat ako ng tingin kay Rei. I'm glad he's with me. He's still calm in this kind of situation and I admire him for that. Tumango ako at tumakbo kaming muli papalapit sa kanila. Si Rei ay papunta sa dalawang nag agawan sa baril at ako naman ay kay Ian.

Nakasandal sa mga locker si Ian habang sapo sapo ang kanyang kaliwang balikat.

"Hey, Ian, let me see your wound," sabi ko sa kanya. Idinilat niya naman ang mga mata niyang mariing nakapikit.

"Mirai, ang sakit pala ng tama ng bala, no? Hindi manlang ako na inform na may barilan pala dito, edi sana nag-ala Sena ako at umilag ilag sa bala kanina," aniya na animo natatawa pa. Parang pinapagaan niya pa ang aking loob. Siraulong 'to! Tinamaan na nga ng bala, nagpapatawa pa!

"Loko ka! Let's go to the infirmary first! Kailangang gamutin ang tama mo!" sigaw ko sa kanya bago siya inalalayan. Isinakbit ko ang kanang braso niya sa akin.

"Hey, ako na," sabi ni Rei sa akin. Ipinasa ko naman sa balikat niya ang kanang braso ni Ian. Mabuti naman at nandito na rin siya kaagad. Hindi ko rin kasi alam kung kaya kong alalayan si Ian hanggang infirmary na hindi kami natutumba. Halos magkakasing katawan kasi sila nila Kuya kaya manliliit ka kapag itinabi ka sa kanila.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon