CHAPTER 64

134 11 1
                                    

Author's Note: Hi! Expect longer content in the succeeding chapters dahil mas exciting na ang mga nangyayari (o baka ako lang ang nag-iisip na exciting na? Hahaha). Happy reading and God bless us all! 💕

-----

CHAPTER 64
Vision and Missions

"MIRAI?"

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at bumungad sa akin si Hira. Bagama't maputla at mukhang nanghihina ay parang nakahinga ito ng maluwag nang imulat ko ang aking mga mata.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo? Let me conduct a---" agad kong pinigilan si Hira sa pagpapanic niya. Halata kasing aligaga ito at hindi alam kung anong uunahin niyang asikasuhin.

"I'm fine. No need to worry. I just had a bad dream," sambit ko bago ako nag iwas ng tingin dito. Isang masamang panaginip, oo, panaginip. Iisipin ko na lang na panaginip lamang ang mga nakita ko at hindi sila totoo.

Mukhang naramdaman ni Hira na ayoko ng kausap kaya naman dahan dahan itong tumango at lumayo sa akin.

"Ah, sige. Andito lang ako sa katabing hospital bed, ah? Kapag gusto mo ng kausap, libre lang ako," anito bago ito naupo sa hospital bed na katabi ng sa akin.

Teka, bakit nga ba ako narito? Ano bang huling nangyari? Bakit nasa Academy na ako kaagad? Nasaan sina Mama at Papa? Saka bakit kasama ko na si Hira?

Nilingon ko si Hira, "Ahm," sambit ko. Agad naman ako nitong nilingon ngunit hindi ito nagsalita. Hinahayaang magsabi ako ng pakay ko. "Bakit nga pala tayo nasa ospital? Ang natatandaan ko ay dumating sina Mama at Papa noong..."

Hindi ko alam kung paano ko idudugtong ang mga katagang 'dinakip ako ni Ian.'

Saglit na natigilan din si Hira, "Alam ko na kung anong ginawa ni Ian," anito bago ito nag iwas ng tingin. "Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya 'yon. Paniguradong may mabigat na dahilan siya," pahina ng pahinang sambit pa ni Hira pero narinig ko naman.

Sumasang ayon ako sa sinabi ni Hira lalo na at iba ang pagkakakilala namin kay Ian. Hindi si Ian ang tipo ng Tokushu na gagawa ng ganoong klase ng hakbang lalo na kung wala siyang mabigat na dahilan. Ano naman kayang nagtulak sa kanya para gawin 'yon?

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Hira bago ko ito binasag.

"Nasaan sila Sena? Narito din ba sila sa Academy?"

"Oo, narito na tayong lahat sa Academy, Mirai," sagot ni Hira.

"Sila Shinyu at Kage? Narito rin sila?"

"Oo, sa katunayan nga ay si Hikari ang nagbabantay sa atin. Lumabas lamang ito para tawagin sila Koku dahil nga sa," ani Hira bago siya tumikhim. "masamang panaginip mo."

Masamang panagip. Sana nga panaginip nalang talaga ang mga nakita ko at hindi ang hinaharap.

-----

"KOKU!"

Sabay kaming napalingon ni Sena kay Hikari matapos nitong isigaw ang pangalan ko gayong iilang metro lang naman ang layo namin.

"K-Koku, Sena," tawag nito sa amin habang hinihingal at hinahabol ang kanyang hininga. "S-Si Mirai---"

Hindi na namin pinatapos ni Sena si Hikari dahil mabilis kaming nagtatakbo patungong ospital. Anong nangyari sa kapatid ko? Saglit lang kaming umalis nila Mama, ah?

"Mirai?!" malakas na sambit ni Sena pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto.

Agad din kaming natigilan ni Sena dahil naabutan naming nagkwekwentuhan lamang si Lil Sis at si Hira. Eh?

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon