CHAPTER 68

110 12 0
                                    

CHAPTER 68
Carrying Out the Missions

"YONDA," bati sa akin ni Reki nang pumasok ako sa Technology Department. "Bakit ka naririto? Hindi ba't ngayon ang umpisa ng general cleaning?"

Nagkibit balikat ako rito habang pasimpleng inililibot ang aking paningin.

"Anong pinagkakaabalahan mo ngayon? Tinatanong ni Kuya Gunshi kung pupwede ka raw bang tumulong sa baba," sambit ko bago ako umupo sa couch na nasa loob ng opisina niya.

Punong puno ng screens at samu't saring mga gadgets ang silid. 

"Anong tulong daw?" tanong ni Reki. Hindi nito sinagot ang unang tanong na itinanong ko. Hmmm.

Nagkibit balikat ako, "Bumaba ka at saka mo itanong do'n," sambit ko.

Saglit ako nitong tinitigan, "Alam mo, Yonda, I want to spare you but I don't think that'll be good for the both of us," anito.

"Huh? What are you saying?" naguguluhang  tanong ko. Bakit biglang nagbago ang mga mata ni Reki? Talaga bang isa siyang traitor?

Ngumisi ito sa akin, "Sorry," anito bago biglang sumama ang pakiramdam ko. Para akong nasusuka dahil sa hilo at sa biglang pagsakit ng buong katawan ko.

May pinagpipindot  si Reki sa hologram ng screen na nasa harapan niya. Nakita kong biglang lumabas ang pangalan at ang larawan ko sa screen na 'yon. Maging ang mga personal na detalye tungkol sa buhay ko ay lumabas din doon.

"Mukhang nagtagumpay na ako sa ilang taong proyektong ito," ani Reki.

Unti unting nag slow motion sa paningin ko ang kamay ni Reri na pipindot sa 'eliminate' option na nasa screen. 

What the heck?!

"Anong ginagawa---" napaluhod ako sa sobrang sakit ng sikmura ko. Ang buong katawan ko ay nanginginig sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Relax, Yonda, mawawala na rin naman ang sakit, gaya nga lang ng pagkawala mo," ani Reki bago nito tuluyang pinindot ang salitang 'eliminate'.

Hindi ko na alam kung anong nangyari matapos no'n dahil nawalan na ako ng malay. Sana nga ay nawalan lang ako ng malay.

-----

"MIRAI," tawag sa akin ni Shinyu. Binabantayan kasi kami nito ni Hira.

"Hmmm, bakit?" tanong ko rito. 

Agad na lumapit si Shin sa akin bago ito umupo sa upuang nasa gilid lamang ng hospital bed. "I know that you're troubled," mahinang anito.

Natutulog ngayon si Hira kaya naman kaming dalawa lamang ang gising at magkausap. "Hmmm," ani ko.

"I just want to say that whatever decision you make, you'll have me and Kage," anito. "We'll not leave your side and that's a promise."

Napatitig ako kay Shinyu, how come na parang alam niya kung anong mga iniisip ko?

Bumalik sa alaala ko ang mga kakikita ko lamang na mga kaganapan sa hinaharap.

Wala ni isang ingay ang maririnig bukod sa pag alis ng mga Time Wraiths.

Nakikita ko ngayon ang kadugtong ng nakita ko noong nakaraan kung saan unti unting naglaho si Mama.

"J-Jikan," ani Papa habang nanghihina at nakahiga sa lupa. Patuloy pa rin ang pag agos ng dugo na nagmumula sa mga sugat niya. 

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon