CHAPTER 4

672 38 0
                                    

CHAPTER 4
Tokushu Nōryoku's Hidden Meaning

"MIRAAAAAI! Bakit ka late?!"

Hindi pa man ako nakapapasok ng classroom ay sumisigaw na si Shinyu. Eskandalosang babae! Sinilip ko ang unahan at nakita kong wala pa ang teacher namin sa Statistics. Sabagay, palagi naman siyang wala pero kapag pumasok sa klase ay ubod ng dami ang tinatackle! 

Pumasok na ako ng classroom at inilapag ang gamit ko sa upuan ko. Nilingon ko si Shinyu. Ngiting ngiti na naman ang loka. Ano kayang pinaggagagawa nito sa buhay?

"Bakit ka pangiti ngiti d'yan?" supladang tanong ko sa kanya. Gusto kong mapatampal sa noo ko, hindi ko rin talaga maintindihan ang ugali ko, e, haha!

Agad naman niya akong nginitian ng pagkalapad lapad bago sumagot ng "Hindi ko rin alam." Bago niya sinabayan ng tawang pagkalakas lakas. Aish! Ang ingay! Sabog na naman siya!

"Hoy, babae! Bakit ka nga pala busy kagabi?" tanong ko sa kanya matapos kong umupo at matapos niya ring tumawa. Syempre inintay kong matapos siyang tumawa para masaya. Kindly note the sarcasm.

"Hmmm?" tumingin pa siya sa taas na akala mo ay nag iisip talaga. Kung ano ano talaga ang trip nito, e!

"Ano nga?" giit ko.

"Basta," sagot nito na ikinataas ng kilay ko. "Malalaman mo rin," dagdag pa nito na pamilyar sa aking pandinig ang mga salitang kanyang ginamit.

I let her pass. Kung ayaw niyang sabihin, edi 'wag, wala naman din akong magagawa para pilitin siya. Magsasabi naman 'yan kung kelan niya trip kaya okay lang. Sanay naman na ako sa kanya.

"Oo nga pala, bakit ka tumatawag kagabi?" mausisang tanong niya. Inilapit pa niya ang upuan niya sa upuan ko.

"Hmmm?" gaya ko sa ginawa niya kanina. Kumunot naman ang noo niya kaya naman natawa ako.

"Hoy, 'wag mo akong gayahin! Ano nga?" sabi nito matapos tampalin ang braso ko. Napakabigat din naman talaga ng kamay ng babaeng 'to, e!

"Basta," gaya kong muli sa kanya. "Malalaman mo rin."

Inirapan niya ako at saka tinalikuran. Itong babaeng 'to! Kapag siya ang gagawa ay ayos lang tapos kapag ako, bawal?!

Natawa na lang ako ulit bago siya kinulbit. "Oo na kaw, ikaw na ang panalo," sabi ko at agad naman niya akong nilingon, ngiting ngiti na naman. Manang mana siya kay Miss Yonda, e! Wala ng ibang ginawa kundi ang ngumiti ngiti! Nakakakilabot naman ang ngiti nila!

"Bakit nga kasi?"

"'Di ba marunong kang magbasa at umintindi ng  nihongo?" tanong ko. Agad naman siyang tumango at sinenyasan akong ipagpatuloy ang aking sinasabi. "May ipapatranslate kasi ako sayo."

"Oh, akin na, patingin ako!" excited na sabi niya. Napaka hyper naman nito, kitang ang aga aga pa! Ako ang napapagod para sa kanya, e!

Inabot ko ang bag ko at saka kinuha mula dito ang telepono ko at hinanap ko ang japanese seal na pinicturan ko kagabi. Nang makita ko na ito ay agad ko itong iniabot sa kanya.

"Ito, oh. Ano bang ibig sabihin nito?"

Tinitigan niya itong maigi bago siya tumingin sa akin. Kinabahan ako sa uri ng tingin niya sa akin. Sobrang seryoso niya kasi at hindi ako sanay. "Nako ka, Mirai, saan mo nakita 'to?" tanong niya sakin.

Napakurap ako ng ilang beses, kinakabahan. Ano ba kasing mayro'n sa japanese seal na 'yan?!

Nakipagtitigan muna ako kay Shinyu at saka lamang ako unti-unting nakahinga ng maluwag ng makita kong unti-unti siyang ngumiti. Bwiset na tao 'to! Pa suspense masyado!

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon