CHAPTER 26

344 27 6
                                    

CHAPTER 26
Criteria to be a Q-Class Member

"GOOOOOOD Morniiiiiiing!"

Isang nakabibinging bungad ng aking nakatatandang kapatid na akala mo'y kinder kung magsalita pagkapasok na pagkapasok niya sa classroom. Ubod ng haba ba naman at talagang ubod pa ng lakas ng pagbati nito. Kulang nalang ay itulak ko si Kuya para sumubsob siya sa sahig. Hmp! Hindi pa rin ako nakakamove on sa sobrang dami ng sermon na narinig ko kahapon! Si Kuya naman kasi talaga ang may kasalanan bakit pati ako nadamay?!

"What's with your brother?"

Napatalon ako sa gulat nang may magsalita mula sa aking likod. The heck?!

"Bakit ka ba nanggugulat?!" sigaw ko dito.

Napangisi naman ito, "What's with you as well?" aniya kagaya kanina bago ako nilagpasan at naunang pumasok sa loob. Aba!

"Hey, Mirai! Mabuti naman at okay ka na! Nakakamiss din kasing katabi ka. Alam mo namang anim na ang upuan dito sa classroom kaya kitang kita kapag bakante ang isa," salubong sa akin ni Sena bago ako niyakap. Kakakita lang namin kahapon, ah?

Nginitian ko ito at saka tinanong, "Namiss ko nga ring pumasok. Oo nga pala, kumusta na si Sir Sendo?" sabi ko.

"Ayos naman na, nakalabas na rin siya kahapon. Nauna ka lang ng kaonti. Magaling din kasi talaga ang mga healer dito sa Academy. Alam mo na, nasa dugo nila Hira," aniya. Ang galing din talaga at organized ang lugar na 'to.

"Oy, Sena, ito na yung pinapabili mo."

Nilingon naman namin ni Sena si Ian na bagong dating at may dala dalang snacks.

"Thank you! Napakabait talaga nitong 'guardian' natin," sambit ni Sena na ikinatawa ko. Pinagtitripan niya si Ian dahil pinagdiinan niya ang saling 'guardian' ng may mapang asar na tono.

Tumaas ang kilay ni Ian bago ito biglang ngumisi, "Talaga ba, Sena? Baka gusto mong---" hindi na natapos ni Ian ang sasabihin niya dahil tumayo bigla si Sena at tinakpan ang bibig niya. Ano kaya sana ang sasabihin ni Ian? Hmmm.

"Wala siyang sinabi, okay?" baling ni Sena sa akin. "Tara nga dito sa labas," aniya kay Ian bago ito hinila papalabas.

Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawang 'yon, ah? Kumusta naman kaya si Kuya at si Hira?

"Akin na kasi!" syempre, si Hira 'yan na kinukuringgi na naman ni Kuya Koku. Ano pa bang bago?

"Kunin mo kung kaya mo!" pang aalaska ng Kuya ko bago inangat ang kamay niya para hindi maabot ni Hira ang librong kanyang binabasa. Loko talaga 'tong si Kuya, e!

"Kapag hindi mo ibinalik ang libro ko, babalian kita ng buto, Koku!" babala ni Hira dito. Ngumiwi lang si Kuya at saka nginisihan ito. Yare ka, Kuya! Hindi mo dapat inaasar ang isang bookworm lalo na kapag napurnada ang pagbabasa niya!

"Ouch! Freak! Hira, masakit!" sigaw ni Kuya na ikinatawa ko. Told yah!

Siniko lang naman ni Hira ang tyan ni Kuya kaya medyo napayuko ito bago hinablot ang kanang tainga ni Kuya at saka piningot. Pulang pula tuloy ang mukha ni Kuya, ang sarap picturan tapos ipambabati ko sa kanya sa birthday niya hehe.

"Ibabalik mo ba o hindi? Sagot agad!" sigaw ni Hira na lalong diniinan ang pagpingot sa tainga ni Kuya Koku.

"Oo na, ibabalik ko na! Pagalingin mo ang tainga ko!" sagot naman ni Kuya dito bago ibinalik ang libro kay Hira.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon