CHAPTER 30

305 21 1
                                    

CHAPTER 30
Good at Pretending

"SIR, we would like to ask something personal po."

Nilingon kami ni Sir Sendo na papalabas na sana ng training room dahil tapos na ang klase niya sa amin ngayon.

Tumigil ito sa paglalakad at saka kami hinarap, "Oo nga pala, nakalimutan kong may itatanong nga pala kayo sa akin. Ano nga ba 'yon?" aniya.

"Kuya, magkapatid po ba talaga tayo?" tanong ni Sena na ikinalingon naming lahat dito. Kitang kita ang kaseryosohan niya habang direktang nakatingin kay Sir Sendo.

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Sir, "Ano ba namang tanong 'yan, Senshi? Malamang magkapatid tayo. Halatang halata naman diba?" anito na may halong sarkasmo ang boses. Marahil ay hindi nagustuhan ang tanong ni Sena. "Kung 'yun lang naman ang itatanong niyo ay aalis na ako dahil marami pa akong gagawin," aniya bago tatalikod na sana.

"Sir, gusto lang po naming malaman kung bakit hindi kayo Q-Class member? 'Wag niyo po sanang mamasamain," daretsong tanong ni Hira.

Nakita ko ang pagkabigla at ang pagdaan ng gulat sa mukha ni Sir Sendo bago ito muling nakabawi, "Ibig bang sabihin ay alam niyo na? Kaya ba ganoon ang tanong mo sa akin, Senshi?" tanong nito bago binalingan ang kanyang kapatid.

"Opo," nakayukong sagot ni Sena.

Bumuntong hininga si Sir Sendo bago muling nagsalita, "Bukod sa pagiging direct descendant ay nasa sa 'yo na 'yon kung gusto mong maging Q-Class member. Mayro'n pa rin namang free will na tinatawag. Sa totoo lang ay dalawa kaming dapat ay kasama ninyo ngunit pinili namin ang ibang daan na mas magiging beneficial para sa amin lalo na at ahead kami sa inyo," aniya bago saglit na binalingan si Rei? "Hanggang doon nalang muna ang masasabi ko. Sa ngayo'y 'wag muna niyong isipin ang mga 'yon at mas bigyang tuon ang pagsasanay at ang pag aaral. Darating din naman ang panahon kung kailan malalaman niyo na ang lahat kahit pa hindi kayo magtanong," dagdag pa niya bago kami tinalikuran at saka umalis na ng tuluyan sa training room.

Naiwan kaming anim na malalim ang iniisip. Akala ko pa nama'y magkakaroon ako ng peace of mind kahit papaano ngunit nadagdagan lamang ang mga impormasyon na kulang kulang at nakakagulo ng isip!

"Everyone, don't think too much, okay? This day's been really tiring. Let's go home and relax ourselves!" ani Rei na tumatayong leader ng Q-Class. "Oo nga pala, wala tayong klase bukas pero sa makalawa na ang event na inihanda ng mga instructors natin kaya kailangan nating magprepare. Let's train tomorrow? What do you think?" mahabang litanya at tanong niya sa amin.

"Sige!"

"Sure!"

"Okay!"

"Tara!"

Sabay sabay na sagot ng mga kasama ko. Hindi ako nakasagot kaagad kaya naman nabaling ang paningin nilang lahat sa akin, "How about you, Mirai?" special mention na tanong ni Rei.

"I'm in," tugon ko naman na ikinangiti nilang lahat.

Naghiwalay na kami. Kasama ko si Kuya Koku habang sila Rei, Hira, Ian, at Sena naman ay sabay sabay na umuwi na sa bahay na tinitirahan nila.

"Kuya, bakit sa bahay ka pa rin umuuwi?" tanong ko kay Kuya habang naglalakad kami papunta sa parking lot kung saan nakapark ang kotse niya.

"I missed spending time with my family since the war happened. I want to make it up with you and with Mom for all the years we've been apart," sagot niya. "Saka na ako babalik sa bahay na para sa Q-Class kapag doon ka na rin tutuloy," dagdag pa niya. Oo nga pala, my birthday's approaching in less than a month! I'm excited and nervous at the same time. I mean, there will be a lot of changes and I hope I can adjust and adapt with those changes.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon