CHAPTER 6

550 32 1
                                    

CHAPTER 6
Her Memories Returned

"MAMA, anong ginagawa mo?"

Napalingon sa akin si Mama. Hawak hawak ni Mama ang envelope na ibinigay sa akin ni Miss Yonda noong pumunta ito dito. Nagkalat ang mga hanger sa lapag, ang mga damit naman ay magulong nakasalansan sa kama. May dalawang malaking maleta ring nakabukas at pinaglalagyan ni Mama ng mga gamit. Inilapag niya ang envelope sa kama.

"Magbihis ka na at aalis na tayo," maikling sabi ni Mama na agad ko namang sinunod kahit na nagtataka ako. Humigit ako ng pantalon at tank top mula sa aking closet at saka nagtungo sa banyo. Matapos magbihis ay bumalik ako ng kwarto at saka kinuha ang envelope na inilapag ni Mama sa kama. Inilagay ko ito sa likod na bulsa ng aking pantalon.

"Pupunta tayo sa Tokushu Nōryoku Academy. Tulungan mo na akong mag-impake ng mga gamit dahil kailangang kailangan na nating magtungo roon kaagad." Nagpatuloy si Mama sa pag aayos. Tinulungan ko naman siya kahit na gulong gulo pa rin ako. Paano niya nalaman ang tungkol sa Academy?

"Ma, paano mo nalaman ang tungkol doon? Saka bakit madaling madali ka? Ano bang nangyayari?" tanong ko habang kinukuha ang iba ko pang importanteng gamit. Kinuha ko ang librong may japanese seal at inilagay sa maleta. Hindi ko alam pero para kasing may nag-uudyok sa akin na bitbitin ito palagi. Kinuha ko rin ang laptop ko at ang charger nito, maging ang iba ko pang mga importanteng gamit ay kinuha ko at inilagay na sa maleta.

"Nakakaalala na ako."

Napalingon ako kay Mama, nanlalaki ang mga mata at halos hindi makapaniwala. Sa mga nagdaang taon na wala siyang maalala ay nakita ko ang hirap at frustration niya. Kitang kita ko ang pangingilid ng mga mata ni Mama habang patuloy na nagtitiklop ng mga damit at inilalagay ito sa maleta.

"Ayos ka lang, Ma?" maharang tanong ko, ni hindi alam kung ano ang sasabihin.

Isinara ni Mama ang kanyang maleta. "Hindi ko alam, Mirai. Halo halo pa ang aking nararamdaman pero gustong gusto ko nang bumalik sa Academy, labis labis na ang oras na iginugol natin dito. Paniguradong kailangan na tayo roon," naguguluhang anito.

Pinagpupulot ni Mama ang mga hanger na nakakalat sa sahig at inilagay sa isang tabi. Tumango tango na lang ako at isinara na ang aking maleta.

"Ayos ka na ba? Wala ka ng importanteng naiwan?" tanong ni Mama habang inaayos naman ang kanyang handbag.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Iniisip kung may naiwan ba ako habang minememorya ang lugar. Nakita ko sa ibabaw ng side table ang paperbag na ibinigay sa akin ni Shinyu noong nakaraang nagawi kami sa mall. Agad ko itong nilapitan at binuksan.

Nakita ko ang binili niyang sweater na regalo niya raw sa akin. Agad ko naman itong inalis sa lalagyan at saka isinuot, walang pakialam kung hindi pa ito nalalabahan. Basta isinuot ko na ito at lumabas na ako ng kwarto habang hila hila ang aking maleta at hawak hawak ang aking telepono at earphones.

Nang makarating sa sala ay nagulat ako nang makita si Miss Yonda na nakaupo sa tapat ni Mama sa sala. Anong ginagawa niya dito?

Tumayo si Mama mula sa pagkakaupo. "Anak, nandito si Yonda. Sasamahan niya tayo hanggang makarating tayo sa Academy." Yonda? Hindi Miss Yonda?

"Tara na, para hindi tayo abutin ng dilim. Saka, oo nga pala, Mirai, hindi ko nabanggit sa 'yo. Kapatid ko ang Mama mo, kaya Tita mo ako," ani Miss Yonda. Nanlaki ang aking mga mata sa pagkabigla. Isa na namang rebelasyon ang ibinunyag nito.

Tinitigan kong maigi si Miss at napagtanto ang pagkakahawig niya kay Mama. Kaya pala minsan ay napapatitig ako sa kanya dahil pamilyar ang kanyang facial features.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon