CHAPTER 9

489 32 5
                                    

CHAPTER 9
Rojin and Fujin's Kind

"MIRAI, gising na."

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdamang tinatapik ni Nay Fujin ang aking binti. Marahil ay umaga na kaya ginigising na niya ako. Mabigat ang aking mga matang nakapikit ngunit pilit ko itong iminulat. Bahagya pa itong humapdi dahil na rin sa kakulangan ko sa tulog at sa liwanag ng silid na pinagpahingahan ko. Nakabukas ang mga bintana kaya't pumapasok na ang init na nagmumula sa araw.

"Tara na sa kusina at kumain ka na muna bago ka pumunta sa pupuntahan mo," ani Nay Fujin bago siya nagtungo sa pinto at saka lumabas.

Tumayo na rin ako at inayos ang pinaghigaan ko. Tiniklop ko ang kumot na aking ginamit at isinalansan ng maayos ang mga unan.

"What are you doing?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Nanlaki ang aking mga mata, nasa aking harapan ang lalaking nagpauna sa akin sa pila kahapon sa convenient store!

"I'm reading a book," sagot ng babaeng nakaupo sa pagitan ng mga ugat ng malaking puno habang inaangat ang librong kanyang binabasa. She's at my age and she looks like a prim lady. Tinignan ko ang cover ng librong iniangat niya,

'Hīrāgaido
ヒーラーガイド'

ang nakalagay sa cover nito. Hindi ko alam ang ibig sabihin nito dahil nakasulat ito sa nihongo. Aaralin ko na nga 'yon one of these days! Ang laking hassle kasi dahil lagi ko pa namang naeencounter 'yon!

"What do you want, Koku?" muling pagsasalita ng babae. Pinatutungkulan ang lalaking nakita ko sa convenient store. So, Koku's his name. Hmmmm.

"Mirai!"

Napatalon ako ng gulat nang marinig na may tumawag sa akin. Si Nay Fujin! Oo nga pala, kakain na!

Kinuha ko ang aking teleponong nakapatong sa pasimanong nasa gilid para sana tignan ang oras ngunit deadbatt na pala ito. Anong mayro'n sa dalawang nakita ko? Anong mayro'n sa lalaking nakita ko sa convenient store na Koku ang pangalan? Anong mayro'n sa librong binabasa ng babae? Bakit libro na naman? Porke't mahilig akong magbasa ng libro ay puro gano'n ang ipakikita sa akin, gano'n ba?

Napagpasyahan ko na lumabas ng silid at magtungo sa banyong nasa gilid ng kusina para maghilamos. Ipinagsawalang bahala na rin ang nakitang pasilip sa hinaharap dahil hindi ko rin naman maisip kung ano ang sense no'n.

"Nay, anong oras na po ba? Saka nasaan po si Tay Rojin?" tanong ko kay Nay Fujin habang nagpupunas ng mukha na hinilamusan. Wala kasi sa sala at sa kusina si Tay Rojin, e.

"Nasa likod ng bahay ang Tay Rojin mo, nagsisibak ng kahoy doon. Alas otso na ng umaga kaya ginising na kita, ang sabi mo kasi ay gisingin kita pagkasikat ng araw, kaso'y napakahimbing ng iyong tulog kanina kaya naman hindi na ako nag-abala," mahabang litanya ni Nay Fujin. Hanga talaga ako sa kanilang mag asawa. Ang simple lang ng pamumuhay nila pero masaya sila at nagmamahalan. Animo walang problema sa buhay dahil palaging mga nakangiti at kalmado sa lahat ng sitwasyon.

"Pasensya na, Nay, napagod lang po ako sa layo ng pinuntahan ko kagabi. Napahimbing po tuloy ako sa tulog," ani ko bago lumapit para tignan ang niluto ni Nay Fujin. Umaalingasaw kasi ang amoy kaya naman nakadagdag ito sa gutom na nararamdaman ko.

"Ayos lang 'yon, Mirai, mukhang malayo pa ulit ang pupuntahan mo kaya kailangan mo talaga ng lakas. Kumain na muna tayo bago tayo magsialisan," ani Nay Fujin. "Pakitawag nga ang Tay Rojin mo para makakain na tayo," dagdag pa niya.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon