CHAPTER 7

489 32 2
                                    

CHAPTER 7
Where is She

"NENG, pa saan ka ba? Wala masyadong dumaraan dito lalo na at padilim na. Sumabay ka na sa amin ng aking asawa kung sa bayan ka pupunta."

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa jeep na huminto sa aking tapat. Sakay nito ang isang mag-asawa. Mukha naman silang mababait at naisip ko ring hindi ko maaabutan si Shinyu kung patuloy akong maglalakad patungong bayan, kaya naman sumakay na ako sa jeep nila.

"Salamat po."

Tumango ang matandang babae. "Walang anuman, Neng. Paano ka nga pala napadpad dito? Tago ang lugar na'to dahil may kalayuan sa bayan," tanong nito habang nakatingin sa akin mula sa salamin.

"Napadaan lang po ako," maikling tugon ko habang tinitingnan ang paligid. Tumangong muli ang matandang babae at hindi na muling nagtanong.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa bayan. Huminto na ang sinasakyan kong jeep at nilingon ako ng mag-asawa. Agad akong kumuha ng pera sa aking bulsa. At iniabot ito sa kanila pero inilingan nila ako.

"'Wag ka na magbayad dahil hindi naman kami naabala. Mag-iingat ka na lang papunta sa pupuntahan mo," sabi ng matandang babae na ikinatango naman ng kanyang asawa.

"Salamat po ulit," sabi ko at saka bumaba na mula sa jeep. Mabuti na lang pala at naka sweater ako dahil malamig ang simoy ng hangin lalo na at madilim na.

Agad akong pumunta sa terminal at sumakay sa bus patungong Seijo na dadaan mismo sa Futsu Gakko. Tatagal din ng mahigit isang oras ang byahe kaya naman nang makaupo ay sinubukan kong tawagan si Shinyu.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."

Ibinulsa ko nalang muli ang aking telepono at tumingin na lamang sa labas. Kailangan kong makaabot! Kapag hindi ko naabutan si Shinyu ay hindi ko na alam kung kailan ko siya muling makikita o kung makikita ko pa ba siya! Napapikit ako ng mariin dahil sa naisip. Hindi na nga naging maayos ang huling pagkikita namin, e!

Ilang minuto pa ay huminto na ang bus, mayroon atang sumakay o di kaya ay bumaba. Napaayos naman ako ng upo nang may biglang umupo sa aking tabi. Tinanaw ko na lang muli ang labas. Malayo layo pa bago ako makarating sa Futsu Gakko.

Napalingon ako sa aking katabi ng maramdaman kong may kumulbit sa aking braso. "Miss, gusto mo?" alok sa akin nito. Tinignan ko ang kanyang kamay at naroon ang isang piraso ng candy.

Kinuha ko naman ito at saka nagpasalamat dito. "Salamat," sambit ko.

Binuksan ko ang candy at saka isinubo ito. Tinupi ko naman ang balat nito at inilagay sa aking bulsa gaya ng nakagawian. Isinandal ko ng maayos ang aking likod sa upuan at inilabas ang aking earphones at telepono. Inayos ko ito at isinuot sa aking tenga. Sandali kong ipinikit ko ang aking mga mata at kinalma ang aking sarili. 'Makakaabot ako! Oo, maaabutan ko si Shinyu!' kumbinsi ko sa aking sarili.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay wala na ako sa loob ng bus. Eto na naman! Nakikita ko na naman ang hinaharap! Iginala ko ang aking paningin at napagtantong nasa isa akong eskinita. Hindi gaanong maliwanag dahil iisang bumbilya lamang ang nagbibigay ng liwanag dito. Naglakad lakad ako hanggang sa mapahinto nang may marinig na ingay.

*Boogsh!*

"A-Aray!"

*Pak!*

"Oh, ano?! Lalaban ka pa, ha?! Ang angas mo rin, e, no!"

Sinundan ko ang ingay at napadpad ako sa dulo ng eskinita. Dead end. Nakita ko ang tatlong lalaki na pinagtutulungan ang isa pang lalaki. Pinagsusuntok ng isa ang kawawang lalaki habang ang dalawang kasamahan naman nito ay nakahawak sa magkabilang braso ng lalaki para hindi ito makalaban. Ilang suntok pa ang pinakawalan ng isa sa lalaki bago ito pabalyang binitiwan ng dalawang humahawak dito.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon