CHAPTER 14

415 30 0
                                    

CHAPTER 14
No Ordinary People

"WHERE is he?!"

Napatitig ako kay Hira na nanggagalaiti na naman. Ano na naman bang problema niya? Saka sino ba ang hinahanap niya, e, magkakasama naman silang apat? Andito naman si Koku, Sena, at Ian sa tabi niya.

"Obviously, hindi siya sumunod dito," sagot ni Sena kay Hira na nagpairap sa huli.

"Bakit naman hindi siya sumunod, e, nasa gitna tayo ng misyon?!" sigaw muli ni Hira. Nasa loob sila ng isang hotel room. Parang pamilyar ang itsura nito. Saan ko nga ba ito nakita? Hmmm. Katulad ng hotel rooms sa pag-aaring hotel nila Shinyu!

"Uuuh, he sent me a message two days ago, he said he'll go back to the Academy, Koku's in charge and the 4 of us will stay here to continue the mission. Also, don't blame me na ngayon ko lang nabasa ang message niya dahil deadbatt ang phone ko, remember? Sena keeps on playing with my phone these past few days then she won't even charge it after she's done with it," ani Ian at itinaas pa ang kanyang phone bago binalingan si Sena na agad naman siyang inirapan. Who's the guy they're referring to? What's with Ian and Sena? Saka bakit nakatulala si Koku sa kawalan? Nag away na naman ba sila ni Hira? Aish!

 *Tok* *Tok*

"Mirai! Gising na!"

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na katok na nagmumula sa labas ng pintuan. Ginigising na ako ni Mama!

"Opo, Ma! Gising na po ako!" sigaw ko pabalik at saka ako bumangon.

"Maligo at magbihis ka na dahil aalis tayo ngayon!" sigaw muli ni Mama bago siya umalis.

Nagtungo ako sa closet at binuksan ito. Hindi pala siya simpleng closet lang. Pintuan pala ito papasok sa walk in closet! Ang bongga talaga ng bahay na 'to! Sosyal!

Hindi lang mga damit ko mula sa maleta ang narito, marami ring mga damit na mukhang mga bago pa at lahat ay naaayon sa size ko. Nagbihis na ako ng simpleng casual clothes. Loose shirt and a pair of shorts bago pinaresan ito ng sandals na medyo makapal ang swelas. Kinuha ko na rin ang aking phone mula sa side table bago lumabas ng kwarto.

"Ma?" bungad ko kay Mama noong makita ko siyang naghahain ng almusal sa dining table.

Nilingon naman ako ni Mama bago sinenyasan na maupo na at kumain na muna. "Umupo ka na at kumain. Marami pa tayong papasyalan dito at para maging pamilyar ka na rin sa buong lugar," aniya.

Sinunod ko naman si Mama at umupo na ako. Nagsandok ako ng sinangag at ng ulam. Bigla ko tuloy naalala sila Nay Fujin at Tay Rojin, kumusta na kaya sila?

"Kumain ka ng marami, Mirai," ani Mama habang kumakain din kagaya ko.

"Opo, si Papa po pala, Ma?" tanong ko kay Mama matapos lunukin ang nginunguyang pagkain.

Ganoon din ang ginawa ni Mama bago siya nagsalita. "Pumunta na sa opisina ang Papa mo dahil marami pang kailangang pirmahang mga papeles. 'Di ba inagahan niya ang uwi kahapon, ayun natambakan siya ngayon ng trabaho," aniya na ikinatango ko naman.

Natapos na kaming kumain at nagtungo na kami sa labas. Isa sa mga nakakamangha dito sa Academy ay ang itsura nito. Para itong isang bayan na nakatago at para lamang sa mga espesyal na tao. May sarili itong mga facilities gaya ng paaralan, ospital, mall, village, at marami pa. Sobrang laki niya talaga! Ni hindi mo rin maiisip na matatagpuan mo ito sa gitna ng gubat!

"MIRAI, 'yan ang daan papuntang lawa. Sa susunod nalang natin 'yan puntahan dahil out of the way."

Nilingon ko si Mama na nagmamaneho. Itinuro niya ang mga punong nasa kanang bahagi ng village. Tumango ako bago tuminging muli sa unahan ng sasakyan.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon