GLIMPSES OF THE PAST 3

183 14 1
                                    

GLIMPSES OF THE PAST 3
Jikan as a Q-Class Member

"IS she always like that?"

"Uuuh, well yeah?"

"Eh? Ayaw niyo kasi atang kausapin kaya gan'yan?"

"Oo nga, do'n nga muna kayo sa kabilang gilid."

"Hey, don't eat my snacks!"

"Ang damot mo naman! Ang dami mo na kayang kinain!"

"Hoy, ang ingay niyo kamo!"

Kanina pa nagkakagulo sa classroom ng isang joint class. Ito ang unang araw na makasasama na si Jikan sa kanilang klase dahil nanatili lamang si Jikan sa bahay ng mga Akarui sa loob ng ilang taon. Q-Class and A-Class students are classmates with half of their subjects kaya naman malimit silang magkakasama. Ang nagkakaiba na nga lamang sa kanila ay ang mga pin na suot nila na gawa sa pilak at ginto.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, Yuki, 'wag mong kuringgiin 'yang si Tsuyoi lalo na kapag kumakain siya!" sigaw ni Rufu sa katabing babae na nagngangalang Yuki.

Humalukipkip ang huli bago sumimangot, "Eh, nagugutom na kasi ako! Ang tagal naman kasi ni Mrs. Ri, e!" reklamo nito.

Lumapit si Kabe sa dalawang nag uusap na babae, "Hoy, dagdag ingay kamo kayong dalawa," nang-aalaskang anito.

Kumunot naman ang noo ng dalawang dalaga at saka sabay na inirapan ang bagong dating.

Tinapik ni Tsuyoi ang balikat ni Kabe at saka ito inalok ng pagkain, "Dude, gusto mo?" alok nito.

Agad na nilingon ito ni Yuki na magkasalubong na ang mga kilay, "Ang duga mo, ah! Kapag si Kabe ay inaalok mo, tapos kapag sa akin ay ang damot damot mo! Grabeng favoritism naman 'yan, Tsuyoi!" sigaw nito sa binatang kain lang ng kain ng snacks.

Umiling lamang ang lalaki at saka bumaling sa kaliwa niya, "Oy, Ishi, may naririnig ka ba?" tanong nito.

"Malamang sa malamang mayro'n. Ano ba namang klaseng tanong 'yan, Dude?" pabalang na sagot nito bago tinalikuran na sila Tsuyoi at saka ito tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Nasu kay Ishi na kapapasok lamang ng classroom nila.

"Kay Mama. Susunduin ko na dahil ang tagal niyang dumating," sagot nito na tinutukoy ang Ina niya na guro nila.

Tumango naman si Nasu bago muling lumabas, "Tara, sasamahan na kita tutal ang gulo gulo naman sa loob," anito habang nakangiwi.

Agad namang umagree ang binata sa dalaga, "Sinabi mo pa," anito bago umiling iling.

NAKAALIS na ang dalawang kaklase nila ngunit hindi nito nabawasan ang ingay sa loob ng kanilang silid. Mas lumakas pa nga ang boses ng mga estudyanteng nasa loob na talaga namang ikasasakit sa ulo ng kanilang mga guro.

"Nasaan nga pala si Reon?" tanong ni Chiteki sa katabi niyang si Mushi.

"Hindi ko rin alam, e." sagot naman ng huli bago nagkibit balikat.

"He's on his way papunta rito," mahinang sagot ni Jikan na ikinagulat naman ng mga kaklase niya. Kanina pa kasi ito nakatulala lang at nakapangalumbaba sa labas ng bintana kaya naman akala ng iba ay pipi ito o kaya ay bingi.

"Nakakapagsalita ka?!" gulat na tanong ni Yuki dito. Mabilis itong nakalapit lay Jikan matapos makipag-agawan ng pagkain kay Tsuyoi.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon