CHAPTER 29

274 27 1
                                    

CHAPTER 29
I Trust You

"TSK! Bakit ba ang yabang ng Kuya mo, ha, Sena?"

Nanlalaki ang mga mata na napalingon ako kay Kuya Koku at Sena na nagbubulungan na ngayon. Nakalimutan ba bilang malakas ang pandinig ni Sir Sento? Aish!

"Ikaw ngang natalo niya ay mayabang na, siya pa kayang nanalo?" pabalang na sagot ni Sena sa Kuya ko. Kung wala lang kami sa gitna ng klase ay natawa na ako sa takbo ng usapan nilang dalawa. Ang kulit talaga nila!

"I'll go next," mahinang sambit ni Hira matapos tumayo.

Natahimik naman si Sena lalo na si Kuya Koku na matamang sinusundan ng tingin si Hira. Haynako, Kuya! Tinitigan ko nalang din si Hira na kalmado lamang na naglalakad papunta sa gitna kung nasaan si Sir. Tahimik na dinampot niya ang isang knife na naroon. Obviously, hindi siya knife na ginagamit panluto kundi knife na panlaban.

"You're calm as ever, Hira. Kakaibang Saino. Tsk tsk," ani Sir habang umiiling iling pa bago pinalitan ang nunchaku bilang isang knife na katulad ng hawak ni Hira.

Hindi pinansin ni Hira ang sinabi ni Sir at pumwesto na roon sa gitna. Walang emosyon itong nakatingin kay Sir na ngayon ay may mapaglarong ngisi na sa kanyang mga labi.

Unang sumugod si Hira na nagpamangha sa akin. Hindi man kasing bilis ni Hira si Sena ay pulido naman ang mga kilos nito. Nagulat pa nga ako nang makitang nadaplisan niya ng hiwa ang pisngi ni Sir na hindi nagawa ni Sena at Kuya Koku kanina. Nawala ang ngisi ni Sir at si Hira naman ang napangisi. Mabilis na kumilos si Sir Sento at ilang segundo lamang ang lumipas ay nasa kaliwang kamay na niya ang knife na hawak ni Hira at nakatutok na ang knife niya sa leeg nito.

"Tsk. What a brave woman," sambit ni Sir dito. "You know, bravery doesn't make a person win, not even courage or determination alone can," anito pa bago ibinalik kay Hira ang knife nito.

"I know I won't win with you, but at least I made you bleed even a little," ani Hira bago naglakad nang muli papalapit sa amin nang may ngiti sa mga labi.

"You did well, Hira!" sabi ni Kuya matapos maupo ni Hira sa kanyang tabi.

Nginisihan siya nito, "I did better than what you did, Koku," anito na nagmamalaki. Napangiti naman ako dahil sa nakitang kakaibang expression sa mukha ni Hira. She's also playful! I thought she's a prim and proper type of a woman!

Narinig kong tumawa si Kuya Koku, "Yeah, you're a lot better," anito. Hays, hulog na hulog. Kapag sa akin na kapatid niya ay hindi siya nagpapatalo pero kapag kay Hira, nagpapalait pa siya! Favoritism din talaga, hmp!

"Come here in front, Shinrei Kan!" sigaw ni Sir mula sa gitnang bahagi ng training room.

Tumayo naman si Rei at naglakad na papalapit doon. Nakita ko pang nilingon ako ni Rei kaya naman tinaasan ko siya ng kilay, "What?" tanong ko na ikinailing niya lang. Aish!

Inihagis ni Sir ang sword na inilabas niya kanina patungo sa Rei na nasalo naman ito. Mabuti nalang at may scabbard pa ito kaya hindi pa ito makasusugat.

Umayos na si Sir at si Rei nang tayo bago inilabas ang kanilang mga sword mula sa scabbard nito.

"Fight like a man," ani Sir na pinoprovoke si Rei. Hindi naman ito naapektuhan at nanatili lamang na seryoso ang expression ng kanyang mukha.

Agad na inatake ni Rei si Sir Sento na ngumisi lang at saka dumepensa. Malakas ang tunog ng mga nagbabanggaang espada na nagkikislapan pa dahil sa pagtama ng liwanag sa mga talim nito. Kahit na gaano pa kagaling humawak ng espada si Rei ay makikita mong mas bihasa pa rin talaga si Sir kaysa sa kanya.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon