CHAPTER 67

117 10 0
                                    

CHAPTER 67
We'll Bring You Back

"GOOD morning!" 

Agad na tumaas ang kilay ko nang malakas na bumati si Rei sa akin.

"Hmmm," sagot ko rito. Hindi ko alam pero nag umpisa na naman akong tumahimik. Kung sabagay, ganito naman talaga ako noon pa man, nagbago lang nang... tsk! Ano ba naman 'tong mga iniisip ko.

"Tara," yaya sa akin ni Rei.

Agad akong nag angat ng tingin dito, kami lang bang dalawa? Hindi ko napigilang hindi tumingin sa paligid namin. Bagama't madilim dahil madaling araw pa lamang ay natitiyak kong kaming dalawa lamang ang narito sa ilalim ng punong palagi naming tinatambayan noon.

"Tara na, susunduin natin ang mga kasama natin," ani Rei bago ito nag umpisang maglakad. Sino bang makakasama namin?

Bagama't gusto kong magtanong ay itinikom ko nalang ang bibig ko. Makikita ko rin naman mamaya ang makakasama namin, bakit ko pa itatanong, 'di ba?

"We're here," ani Rei.

"Huh?" nagtatakang tanong ko. Anong ginagawa namin sa hidden garden ng Academy? "Sino bang makakasama natin? Bakit tayo nandito?" 'Wag niyang sabihing mamimitas lang siya ng bulaklak kaya kami nagtungo dito dahil masasapak ko siya.

Nginitian lamang ako ni Rei na ikinasalubong ng kilay ko. Ang aga aga naman para magbiro siya ng ganito. "Tch!" asik ko.

*Tok* *Tok*

Kinatok ni Rei ang punong naroon ngunit tunog ng bakal ang narinig ko. Pintuan ba 'to? Patungo ba kaming dungeon?

"Shinrei," madiing sambit ko sa pangalan nito.

"Kalma lang, Sena, hindi ko inaakalang miss na miss mo na pala siya," mapang-asar na wika nito bago binuksan ang pintuang ihinalintulad sa katawan ng isang puno.

"I'll stay here," sambit ko. Wala akong planong sunduin ang susunduin ni Rei nang harapan. Bahala sila tutal si Rei lang naman ang gustong pumasok sa Dungeon.

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang tawa ni Rei, paniguradong pinagtitripan ako. Hindi ba siya galit kay Ia--- basta, hindi ba siya galit do'n?

 "Okay," ani Rei bago ito pumasok sa pinto. Bakit parang kalokohan naman 'tong mga nangyayari? Kahapon lang ay nakita ko si Miss Yonda na pinasabog ang unahang bahagi ng Academy at ngayon nama'y sinusundo ni Rei ang traydor na 'yon.

Kumuyom ang kamao ko, hindi nakakatuwa ang mga nangyayari. 

"I need you to keep quiet," ani Miss Yonda.

"What the heck is this, Miss Yonda?" hindi makapaniwalang saad ko. Sino ba namang hindi magugulat kung nakita mo ang guro mo na pinasabog ang school na pinapasukan niyo, 'di ba?

"I received orders from Ate Jikan and you need to let me go or go with me dahil hindi ko hawak ang oras, Sena," ani Miss Yonda. Kitang kita ko nagmamadali ito lalo na ng lumikot ang mga mata nito. 

"I'll go with you," sambit ko. I better go with her to check if she's doing the right thing. 

"Very well, let's move faster," anito bago mabilis na tumakbo papalayo.

Hindi naman ako nagpahuli at dahil na rin parte ng Tokushu Nōryoku ko ang speed ay mabilis ko itong naabutan. "Where are we heading?" tanong ko.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon