GLIMPSES OF THE PAST 6

158 10 0
                                    

GLIMPSES OF THE PAST 6
The Way They Fight

"WHAT'S happening?" tanong ni Kabe sa mga kasama niyang nangunguna sa paglalakad patungo sa lagusan na magdadala sa kanila sa safezone.

Luminga linga sa paligid ang mga kasama niya at saka nagsalubong ang mga kilay ng mga ito.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Rufu.

"Paulit ulit lang tayong dumaraan sa lugar na 'to. Haven't you figured it out?" ani Kabe. Itinuro nito ang punong nasa gilid niya na may nakatusok na sanga ng kahoy sa katawan nito, "Nilagyan ko ng palatandaan nang makaramdam kong may mali at napagtanto kong paulit ulit nga lamang tayong dumaraan dito," anito bago nilingon si Reon.

Agad namang tumango si Reon, "We're being ambushed," anito gamit ang malumanay nitong boses.

"What shall we do?" tanong ni Rufu sa mga kasama niya. "Marami tayong kasama at hindi tayo pwedeng makipaglaban nalang dito basta basta," dagdag pa niya.

"I'll lead the defense," ani Kabe. "Dalhin niyo na ang mga kasama natin sa safezone at haharangin ko ang mga kalaban," dagdag pa nito.

Umiling si Reon sa sinabi ni Kabe, "No need. They're already in the safezone," anito.

Nagtaka naman ang mga kasama niya at naglingunan sa kanilang likuran. Laking gulat ng tatlong kasama ni Reon nang wala na nga ang mga taong dadalhin sana nila sa safezone.

"H-How? H-How did you do that?" tanong ni Chiteki kay Reon.

Sinuklian naman siya nito ng maliit na ngiti, "Jikan," maikling sagot nito.

Ang ngiti sa mga labi ni Chiteki nang ngitian siya ni Reon ay unti unting naglaho. Ang pangalang 'Jikan' ay talaga namang kakaiba ang rehistro sa kanyang pandinig na lingid sa kaalaman ng kanyang mga kasama.

Bumakas ang paghanga sa mga mata ni Kabe. 'Kakaiba talaga ang kakayahan ng babaeng Time Master' sa isip isip nito.

Saglit na namayani ang katahimikan sa apat bago ito basagin ni Rufu. "Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong nito.

Tinignan siya ni Kabe, "We'll fight, Rufu," sagot nito.

Tumango naman si Reon at Chiteki sa sinabi ni Kabe bago sila umayos ng pwesto. Maging si Rufu ay umayos na rin ng tayo, hinahanda ang sarili sa pag atake.

"Let's go!" sigaw ni Reon bago sumugod sa mga kalaban nilang nagkukubli sa paligid. Palibhasa'y kung pagkukubli lamang ng presensya ay walang makatatalo sa kanya, kaya naman naging madali lang para sa kanya na makita ang lokasyon ng kanilang mga kalaban.

"BAKIT ganito?! Hindi manlang sila nababawasan?!" pasigaw na tanong ni Chiteki sa mga kasama niya.

Nilingon naman siya ng mga ito, "Paano mababawasan, e, lahat tayo ay puro pagdepensa lang naman ang ginagawa!" mas malakas na sigaw ni Rufu sa kanya.

Natawa naman ang dalawang lalaki kaya naman agad silang sinamaan ng tingin ng dalawang babae.

"'Wag nga kayong tumawa d'yan! Lalong lalo ka na Reon! Kung makapag 'let's go' ka kanina akala mo naman ay aatake ka!" pabalang na sigaw ni Chiteki.

Lalong lumakas ang tawa ng dalawang lalaki. Nakuha pang magpaloko loko sa sitwasyon nila.

"Oh, mukhang nagkakasiyahan ata kayo, ah?"

Napatigil sa pag aasaran ang magkakaibigan at gulat na napalingon sa mga bagong dating.

"Jikan!" sigaw ni Reon nang makita ang kababata.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon