CHAPTER 74

110 12 0
                                    

CHAPTER 74
It'll be the Other Way Around

"WE meet again," sabi ng lalaking nakalaban namin noon sa gubat. He's a deceiver, just like me.

"Hmmm," anito.

Nanatili lamang itong nakatingin sa akin kaya naman ibinalik ko rito ang tingin na ibinibigay niya sa akin. "Leave him to me," sabi ko kay Hira na alam kong sumunod sa akin noong papalabas ako mula sa Tech. Department.

"Pero---"

"I can manage," sambit ko.

Lumipas pa ang ilang segundo bago lumayo sa amin si Hira. Hindi siya pupwedeng manatiling malapit sa kaharap ko ngayon. Baka kung anong gawin nito sa kanya.

Bago pa man ako mag-umpisang gumamit ng Tokushu Nōryoku ko ay nag-iba na ang mga nakikita ko.

Did I fell for his tricks? That fast?

"Koku," tawag sa akin ni Hira. Nakaupo kami sa mga nakalatag na blanket sa ilalim ng punong palagi naming tinatambayan.

Magkatabi si Sena at Ian sa aking kanan habang sina Rei at Hira naman ang nasa kaliwa ko. Nasa'n naman si Lil Sis?

"Kailan ka ba magpapakasal?" tanong nito.

"Huh? Kasal?" tanong ko. What the heck is happening here? Ito ba ang kinatatakutan kong mangyari?

"Oo, kasal. Sa ating magkakaibigan ay ikaw nalang ang hindi pa kasal, Koku," ani Sena. "Ano bang pinagkakaabalahan mo?"

"Kasal na kayo?" tanong ko.

Nagsitango naman sila, "Oo, malapit na ngang manganak ulit si Hira e," ani Rei bago nito inakbayan si Hira.

Napatitig ako sa tyan ni Hira at saka ko napansin na may umbok nga ito. Silang dalawa ni Rei? Akala ko ba si Lil Sis ang gusto ni Rei? At saka ano nang nangyari sa bro code namin?

"Si Lil Sis?" tanong ko.

Bumakas ang pagtataka sa mukha nilang lahat, "Lil Sis?" tanong ni Hira. "Wala ka namang kapatid, ah?"

"Oo nga, solong anak ka lang, Koku," ani Ian.

What the heck?

"Want to know something amazing?" sabi ng lalaking deceiver sa harap ko. "The things you saw were not baseless, Kid."

"What do you mean?" Am I being gullible?

Ngumisi ito sa akin bago nagkibit balikat. Ano bang ibig niyang sabihin? He's a deceiver, just like me. I shouldn't be deceived by him.

"Why are you doing this? What do you want?" tanong ko, ipinagsasawalang bahala ang ipinakita sa akin kanina. "We don't know you."

"You don't, but your parents do," ani ng lalaking nasa harap ko. Wala na ang nakakalokong ekspresyon nito sa mukha.

"What's your purpose? We're not hurting anyone. We're living in peace," sambit ko. Tama ang sinabi ko, kung iisipin ay hindi kami nananakit o nakikipaglaban ng walang matibay na dahilan. Ang mga misyon naman na ginagawa namin ay puro pagbibigay proteksyon lamang o paghahanap at pag iimbestiga tungkol sa mga taong nawawala o may kahinahinalang ginagawa.

"Hindi kayo nananakit? Nagpapatawa ka yata." Makikita ang galit sa mga mata nito. Anong namang ginawa nila Papa para magkaro'n ng kapwa niya Tokushu na malaki ang galit sa kanila?

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon