CHAPTER 12

452 33 1
                                    

CHAPTER 12
At Home

NAPATITIG ako sa lalaking nakatalikod sa aking direksyon. Suot suot nito ang unipormeng panlalaki ng mga mag aaral sa Academy. Kung tititigang mabuti ay hindi nagkakalayo ang pangangatawan nila ni Koku. Itim na itim ang kanyang bagsak na buhok kumpara kay Koku na dark brown ang buhok kagaya ng sa akin.

"Tititigan mo lang ba ako at hindi ka lalapit dito?" tanong nito na ikinalaki ng mga mata ko. Paano niya nalaman na nakikita ko siya? I'm sure na walang ibang tao dito bukod sa kanya at sa aking nakakakita sa kanya.

"P-Paano mo ko nakikita?" tanong ko ngunit kagaya noong mga nakaraang byahe ko sa hinaharap ay walang boses ang kumawala sa akin. Tanging pagbukas at pagsara lamang ng aking bibig ang aking nagawa.

"Lumapit ka rito," muling aniya kaya naman inihakbang ko ang aking mga paa papalapit sa kanyang direksyon.

*Tok* *tok*

"Mirai!"

Napabalik ako sa reyalidad noong marinig ko ang boses ni Mama at ang tunog ng katok sa pintuan. Nasa loob nga pala ako ng banyo para maglinis ng katawan.

"Po?" sigaw ko naman pabalik.

"Narito na ang mga damit mo kaya ipapasok ko na sa banyo, ah?" sabi naman ni Mama kaya naman agad akong pumasok sa loob ng shower area at binuksan ang shower.

"Sige po!" sagot ko pabalik. Narinig kong bumukas ang pintuan ng banyo at pumasok si Mama.

"'Nak, nandito sa may rack yung damit mo, ah. Lalabas na ako ulit. Tumawag ka na lang kapag may kailangan ka," aniya bago ko narinig na bumukas at sumarang muli ang pintuan ng banyo.

Mabilis akong naligo at tinuyo ko ang aking sarili bago ako nagbihis. Agad din akong lumabas nang matapos nang mag ayos.

"Anak, he's the Academy's Doctor, Ishi Saino. Ishi, she's my daughter, Mirai," ani Papa matapos kong makalapit sa direksyon nila. Naroon na ang Doctor at nakasuot pa ito ng white coat kaya naman napakalinis niyang tingnan. Agad ko itong kinamayan noong makita kong nakalahad ang kanyang kamay bago saglit na tinanguan.

"Where did the snake bit you?" pormal na tanong niya matapos kong maupo sa sofa katabi si Mama. Itinuro ko naman ang aking hita kaya naman sinuri niya ang wound mark na iniwan ng ahas bago nag angat muli ng tingin.

"Malinis na ito, ah? Sino ang nag asikaso nito noong makagat ka?" tanong niya sa akin na agad ko rin namang sinagot.

"Hindi ko po alam. Nawalan po kasi ako ng malay at noong magising po ako'y maayos na po ito't natalian na po. Mayroon din pong nag iwan ng tubig at anti-venom sa mga kamay ko kaya naman nakainom na po ako."

Tumango tango si Doc. Ishi bago nag angat ng isang maliit ba bote. "Ganito ba ang iniwan sa 'yo?" tanong niya. Tinignan kong maigi ang maliit na boteng itinaas niya. Gano'ng gano'n ang ininuman kong bote!

"Opo, ganyang ganyan po," sagot ko sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. "Iniwanan din po ako nito," dagdag ko pa bago hinawakan ang tumbler na iniwan ng tumulong sa akin at iniangat.

Nakita ko namang matamang nakatingin dito sina Papa at Doc. Ishi. 

Ngumiti si Doc. Ishi bago umiling iling. "Iyong batang 'yon talaga," aniya.

"Pareho ba tayo ng iniisip?" tanong ni Papa habang nakatingin kay Doc. Ishi.

"Oo," muling ngumiti si Doc. Ishi bago nagsalitang muli. "Mukhang kailangan mong bakuran ang anak mo gaya ng ginagawa ko sa anak ko."

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon