CHAPTER 62

147 12 0
                                    

CHAPTER 62
Steps Ahead

"MALIGAYANG pagbabalik, Jikan," bati ni Nanay kay Mama matapos ako nitong yakapin.

"Salamat po, Nay Fujin," ani Mama.

"Ano nga palang sadya niyo rito? Hindi manlang kayo nagsabi bago kayo bumisita, edi sana nakabili kami ng mas maraming makakain," ani Tatay.

Kasalukuyan kaming nasa sala ng bahay nila. Iginala ko ang tingin ko sa paligid at saka ko naalala ang magagandang alaala na mayro'n ako kapag nagbabakasyon ako dito sa bahay nila Tatay at Nanay.

"Nagkabiglaan kasi, Tay. Alam mo namang marami pang gusot sa Academy," ani Papa bago ito bumuntong hininga.

"Anong gusto mong pagkain, Apo? Ipaghahanda kita," bulong sa akin ni Nanay.

Napangiti naman ako dahil dito, mas mahal niya kasi ako kaysa kay Papa na mismong anak niya. Magmula kasi nang makarating kami ay nasa akin na ang buong atensyon ni Nanay.

"Ayos lang po, Nay. Hindi pa naman po ako nagugutom," sagot ko rito.

Umiling iling ito bago biglang tumayo, "Ikukuha pa rin kita ng makakain, sandali lang," aniya bago mabilis na nakaalis sa sala.

Pipigilan ko pa sana si Nanay pero hinawakan ni Mama ang braso ko, "'Wag na, hayaan mo na si Nay Fujin na kuhanan ka ng makakain. Malamang sa malamang ay sobra ka nilang namiss," nakangiting ani Mama.

Tumango ako rito, "Okay po," sambit ko.

"Anong gusot ang naghatid sa inyo rito?" tanong ni Tatay kay Papa.

"Traitors. For the nth time, traitors na naman ang problema," madilim ang mukhang sagot ni Papa. "Magmula sa henerasyon niyo hanggang sa amin at sa ngayon ay 'yon at 'yon pa rin ang pangunahing problema. Bakit ba hindi nalang sila maging loyal sa Academy?"

Tinapik ni Tatay ang balikat ni Papa, "It's a human nature, Gunshi," anito.

"But we're Tokushus. We're supposed to be steps ahead."

"Every human being has a different coping mechanism, Gunshi. They chose the other side to survive and we cannot blame them for that," ani Tatay.

Saglit na natahimik si Papa, "Bakit gan'yan mo tingnan ang lahat ng bagay, Tay? Hindi ko maintindihan," ani Papa.

Bumuntong hininga si Tatay, "Hindi mo maintindihan dahil ayaw mong intindihin at tanggapin. Hindi lahat ng tao ay mapipilit mong maniwala at sumunod sa lahat ng pinaniniwalaan mo, Gunshi," anito. "Hindi ibinigay sa'yo ang posisyon mo para mamwersa at mang-abuso ka ng tao."

Umiwas ng tingin si papa, "Kaya ba maaga kang nagretiro sa pamamahala ng Academy?" tanong nito. 

"Hindi 'yon ang dahilan, Gunshi. Mas naniniwala lamang ako na para sa 'yo ang pamamahala sa Academy at hindi para sa akin."

"Pero bakit pakiramdam ko, ipinasa mo lang sa akin ang bigat ng pamamahala do'n? Bakit hindi niyo muna inayos ang mga gusot niyo bago niyo ito ipinasa sa akin?" nakakunot noong sambit ni Papa. "Lahat kasi ng gusot sa panahon namin ay nagmula sa panahon niyo, Tay. Nagkapatong patong na silang lahat," dagdag pa ni Papa.

"Gunshi," biglang tawag ni Nanay sa pangalan ng kanyang anak. "Alam kong frustrated ka pero pag isipan mo muna ang mga binibitawan mong salita. Matalino ka, kaya gamitin mo. 'Wag puro emosyon."

Biglang napayuko si Papa, "I'm sorry. I was... just---" naputol ang sinasabi ni Papa nang putulin ito ni Tatay.

"Ayos lang," ani Tatay. "Gan'yan pala ang nasa isip mo sa loob ng dalawang dekada. Bakit kasi kinikimkim mo? Alam mo namang isang tawag mo lang ay agad kaming darating ng Nanay mo, 'di ba?"

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon