SPECIAL CHAPTER

334 14 0
                                    

SPECIAL CHAPTER 
First Day as a Q-Class Member

"WHERE are we going, Papa?" tanong ni Koku sa Papa niyang si Gunshi nang sabihan siya nitong magbihis na.

Nagtatakang lumingon naman dito si Gunshi, "Anak, I already told you that you'll be attending the Academy as a Q-Class member, remeber?" anito.

Nanlaki ang mga mata ng labindalawang taong gulang na batang lalaki, "Oh, shoot!" anito bago nagtatakbo sa kwarto niya.

Napailing nalang si Gunshi habang nagbabasa ng dyaryo sa dining table nila. 'Paniguradong napuyat na naman ang anak ko sa kakabasa ng mga bagong biling libro niya,' sa isip nito. 

Maya maya pa ay bumaba nang muli si Koku. "Pa, I'm ready," anito bago ngumiti pa ng malaki kay Gunshi. "Can we drop by Rei's place?"

Tinanguan naman ito ni Gunshi, "That's the plan," anito. 'That kid, he's been living alone for years,' iiling iling na isip ni Gunshi, tinutukoy si Shinrei Kan, ang bunsong anak ng kaibigan niyang sina Dobutsu at Mushi Kan.

"Great!" ani Koku bago ito umupo sa upuang palagi niyang inuupuan kapag oras ng kain. 

Payapang kumain ang mag-ama ng kanilang breakfast habang nagkwekwentuhan paminsan minsan.

"Pa," tawag ni Koku sa Ama matapos nilang kumain. "I'll bring Rei some foods. I'll also share some with Hira."

Tinanguan ito ni Gunshi at saka nginitian, "Dagdagan mo pa. Magshare ka rin sa iba niyo pang magiging kaklase," anito.

Napanganga si Koku sa kanyang narinig, "How many are we in class, Pa?" tanong ni Koku. "Para alam ko kung gaano karami ang dadalhin ko."

Naging pilit ang ngiti ni Gunshi na hindi naman napansin ni Koku, "There are five of you," anito.

"Okay," excited na ani Koku bago ito dumaretso sa pantry nila. 

NANG makababa si Koku sa sasakyan ni Gunshi ay nagtatakbo ito papasok sa bahay ng mga Kan na si Shinrei lang naman ang nakatira.

"Shin! Rei! Shinrei!" sigaw ni Koku.

Daredaretso lamang si Koku papasok sa malaking bahay at naabutan niya si Rei na nakatingin sa salamin habang inaayos ang kwelyo ng unipormeng suot niya.

"Hoy!" tawag dito ni Koku. "Tara na! Baka malate tayo!"

"Hmmm, sige," sagot ni Rei.

Nakangiwing tumitig naman si Koku sa matalik niyang kaibigan, "Ang aga aga pero ang tamlay mo. Kumain ka na ba? May dala ako," anito bago itinuro pa ang backpack na suot niya.

Nag-iwas ng tingin si Rei dito, "Wala akong gana," anito.

"Pwede ba namang wala kang gana? Kumain ka pa rin! Sasabayan kita mamaya pagkarating natin sa room kahit kumain na ako," daredaretsong sabi ni Koku.

"Tsk, ikaw ang bahala," kibit-balikat na anito.

Nginitian ni Koku si Rei, "Ako talaga ang bahala!" anito na punong puno ng bilib sa sarili ang tonong ginamit.

Iniwas nalang ni Rei ang tingin niya kay Koku. 

Nang makalabas ang dalawa ay bumungad sa kanila si Gunshi, "Good morning, Shinrei," bati nito kay Rei. "Are you looking forward to your classes?"

"Good morning, Sir Gunshi. Yes I am," pormal na sagot ni Rei.

Natawa naman si Gunshi sa pamamaraan ng pagsagot ni Rei, "I told you a hundred times already to call me 'Tito' but you're best friends with my son, so it's a given that you're also hard-headed," iiling iling na anito.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon