CHAPTER 24

346 29 9
                                    

CHAPTER 24
His Special Ability

"LET'S start!"

Umalis na kami sa pagkakabilog matapos sumigaw ni Sir Sendo. Agad namang tumakbo papalapit kay Sir Sendo si Sena at pinagsusuntok ito ngunit mabilis itong naiiwasan ni Sir Sendo. Hindi rin nagtagal ay lumapit na rin si Rei, Ian at si Kuya Koku dito. Pinagtulungan nilang apat si Sir Sendo na mabilis pa rin ang paggalaw kaya hindi nila natatamaan. Napakagaling dumipensa ni Sir Sendo. Ni hindi ako makaisip kung paano ako aatake! Aish!

Iginala ko ang aking tingin sa paligid para makapag isip ng paraan dahil kung makikipag mano mano ako katulad nila Sena ay hindi ako tatagal. Nakita ko si Hira na may hawak na maliliit na syringe. Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha pero hindi ko maiwasang humanga. Palagi siyang prepared at hindi katulad kong walang kahit na ano.

"Why are you just standing there? Do your own thing, Mirai. Hindi ka damsel in distress kaya walang prince charming na darating para tumulong sa'yo," ani Hira matapos tumayo at hawak hawak ng magkabilang kamay niya ang dalawang syringe na may lamang bluish translucent liquid.

Iniwan na niya ako at saka siya lumapit sa kinaroroonan ng iba. Patuloy pa rin ang pakikipagbuno ng apat kay Sir Sendo kahit na lumapit na si Hira sa kanila.

Nakakahangang makita na binigyan nila ng daan si Hira para makapwesto ng malapit kay Sir Sendo at para maturukan ito. Naging abala si Sir Sendo nang makita ang syringe na hawak ni Hira kaya naman nakakuha si Rei at Kuya Koku ng tag isang bell! Wow!

Agad na umikot si Sir Sendo na nagpalayo sa limang nakapalibot sa kanya. Para siyang myembro ng angkan ng mga Hyūga dahil sa kanyang ginawa.

"Tsk, nakuhanan na ako ng dalawang bell ng ganun ganun lang? The heck? I'm sorry pero hindi na kayo muling makakakuha pa," seryosong aniya at sa tingin ko'y nakapagpalabas siya ng madilim na aura. Nasira ang kanyang bracelet na suot suot! Isa lang ang masasabi ko,  nakakatakot si Sir Sendo! Geez!

Nagsiatrasan naman ang lima hanggang sa napasama na ako sa bilog nila. "Lil Sis, you need to fight!" sigaw ni Kuya Koku sa akin mula sa aking gilid. "Don't worry dahil hindi ka nag iisa," dagdag pa niya.

"Remember, I always got your back," sambit naman ni Rei na kasunod lamang ni Kuya Koku.

Agad naman akong tumango sa kanilang dalawa. Tinignan ko rin sila Sena at Ian na mga nakangiti sa akin bagama't tagaktak ang mga pawis. Huli kong tinignan si Hira na tinanguan ako.

Ngumiti ako at saka humarap kay Sir Sento, "We're the Q-Class and we will surely get all the bells. No one will be left behind!" sigaw ko bago kami sabay sabay na sumugod kay Sir Sendo!

Sipa doon, sipa dito, suntok doon at suntok dito. Paulit ulit na pinagsisipa at pinagsusuntok namin si Sir Sendo. Pero kagaya nga ng inaasahan, mas naging mabilis at pulido ang pag iwas ni Sir Sendo. Ni hibla ng buhok niya ay hindi namin matamaan!

"'Yan lang ba ang kaya niyo? Nakakahiya naman sa ibang class dahil ganito lang pala kalakas ang mga tinitingala nila," aniya na nagpasama ng mood ng mga kasama ko.

Naging madilim ang itsura ni Kuya Koku at ni Sena samantalang nawalan naman ng expression ang mukha ni Rei. Si Hira at Ian naman ay nanatiling kalmado gaya ko. Hindi pa man kami nakakaatakeng muli ay mabilis na nakalapit si Sena kay Sir Sendo. Nasira pala ang bracelet na suot niya!

Si Kuya Koku naman ay nag umpisa na ring maging nakakatakot. "How dare you belittle us?!" sigaw nito bago biglang nasira rin ang bracelet na suot nito! Omo!

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon