CHAPTER 25

357 24 1
                                    

CHAPTER 25
The Aftermath

"IS she okay, Ishi? Why is she still asleep? Its been days!"

Nagising ako sa isang puting kwarto. Aish! Why am I in the hospital? Ang OA naman nila Kuya! Sinabi ko naman na gusto ko nalang umuwi at matulog, e!

"Hey, Lil Sis, you okay? How are you feeling?" tanong ni Kuya habang nagmamadaling nagsalin ng tubig sa baso at lumapit sa akin para iabot ito.

Kinuha ko naman ito at saka ininuman. "Feeling better," sagot ko naman sa tanong niya habang umaayos ng upo. Why am I in a hospital bed? Bawal na bang mahimatay ngayon?

"Are you really okay?" tanong ni Papa na hinawi pa si Kuya para matignan ako ng ayos. Natawa naman ako dahil dito. Sinamaan tuloy kami ng tingin ni Kuya. Haynako!

"I am, and you're all OA. I want to go home already," sabi ko sa kanila bago umalis sa pagkakaupo. I'm going home!

"Where are you going? You okay?"

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto. There's the Q-Class and they're carrying fruits and flowers. How thoughtful.

"I'm going home, I hate the smell of hospitals," sabi ko bago sila tinalikuran at saka nagtungo sa banyo. Buti nalang at private room ang kinuha nila Papa para akin dahil may sarili itong banyo.

Tinitigan kong maigi ang aking sarili sa salamin. Maputla ako pero ayos naman na ang pakiramdam ko lalo na kung ikukumpara kahapon. Wait, sabi ni Papa kay Doc. Ishi, I've been asleep for days! What the?!

Agad kong binuksan ang pintuan, "For how many days was I asleep?!" malakas na tanong ko sa kanila na ikinagulat nila.

"Four days, Lil Sis. You we're really exhausted. Bakit naman kasi pinuwersa mo ang sarili mo?!" sagot ni Kuya bago ako sinigawan. Kainis! Bakit siya naninigaw?! Pero hehe ako nga pala yung naunang sumigaw.

"Paano yung event? Edi hindi ako nakaattend tapos konti lang din ang points ko?" tanong kong muli nang maalala yung survival event na kinasasabikan ko. Sana ay hindi pa nila 'yon ginagawa! "Tsaka ano nga palang nangyari pagkatapos kong mag passed out?" dagdag ko pang tanong.

Natatawa naman ang itsura nila dahil siguro sa itsura ko! Feeling ko tuloy ang pangit pangit ko na! Nakakahiya!

"No worries, na move yung event. Kailangan din kasing kumpleto tayo kaya sa Wednesday pa siya. Sa points naman, no need to worry because we got you." mahabang paliwanag ni Sena. Nakahinga naman ako ng maluwag. I'll be sad if I missed it.

"How about my last question?" tanong kong muli.

"After you passed out, Koku carried you into the infirmary with Hira and Rei. Unfortunately, there's no one to accommodate you that time, so, they brought you here in the hospital," pagkukwento ni Sena.

"What about Sir Sendo?" tanong kong muli.

"We talked," maikling sagot ni Sena. She looks so serious. "Hindi ko kasi matanggap na mamamatay siya ng gano'n lang kung hindi mo pinigilan," dagdag pa niya. I get her point. Nakakapagtaka nga 'yon.

Naglingunan naman sa kanya ang iba pa naming mga kasama. It looks like kahit hindi sila ganoon ka close ng kuya niya ay tinitingala niya pa rin ito.

"I confronted him. I asked him kung bakit ganoon ang mangyayari. Napakalabong mangyari noon dahil hindi mahina ang Kuya ko. Hindi isang kagat lang ang magiging dahilan ng pagkamatay niya. Hindi siya tatayo lang doon habang naghihintay na masakmal. Hindi siya mahina," aniya pa. Kitang kita ko sa mga mata ni Sena na nagsasabi siya ng totoo.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon