GLIMPSES OF THE PAST 10

135 11 1
                                    

GLIMPSES OF THE PAST 10
Chiteki's Story

"JIKAN," bungad ni Reon nang makarating ito sa bahay nila Jikan.

Naglalaro si Ishi at si Koku sa malawak na bakuran habang si Jikan naman ay tahimik na nagbabasa ng libro habang umiinom ng juice. Sa loob naman ng bahay ay naghahanda si Mrs. Ri at si Nasu ng lunch para sa kanilang lahat. 

Nilingon ni Jikan si Reon bago tinanguan, "Reon, kumusta?" sambit nito. 

Umupo si Reon sa katabing upuan ni Jikan bago nag iwas ng tingin. "I'm sorry," anito.

Nagulat naman si Jikan sa tinuran ng kanyang protector na itinuturing niya ng tunay na kapamilya.

"Para saan? Wala ka namang kasalanan sa akin," sambit ni Jikan bago nito isinara ang libro niya at inilapag sa gilid ng baso ang juice na iniinom niya kanina.

Nagpakawala ng buntong hininga si Reon. "Hindi ko na nagagampanan ang pagiging protector mo at ni Kiddo, Jikan. Masyado akong nagfocus sa ibang bagay kaya nakalimutan kong gampanan ang sinumpaan ko sa angkan ko at sa angkan mo," nahihiya at disappointed na sambit ni Reon. 

Ngumiti si Jikan bago hinawakan ang balikat ni Reon, "Wala ka namang pagkukulang, Reon. At saka ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kaya ko ang sarili ko kaya unahin at intindihin mo ang sarili mo, ha?" anito.

Hindi nagbago ang hiya, disappointment at lungkot na ipinapakita ng mga mata ni Reon. Hiyang hiya siya kay Jikan at disappointed siya sa kanyang sarili. 'Binigo ko ang mga magulang ko at ang buong angkan namin. Isa akong kahihiyan,' sa isip isip ni Reon. 

"'Wag ka ng mag isip ng kung ano ano pa. Ayos lang ako, kami nila Koku at Mrs. Ri," sambit ni Jikan. "Kaya namin ang mga sarili namin kaya naman ang intindihin mo ngayon ay ang sarili mo," dagdag pa nito.

Tinignan ni Reon si Jikan na animo humihingi ng tulong, "Ano bang dapat kong gawin, Jikan? Gulong gulo na 'ko," anito.

Ngumiti ng malaki si Jikan dito, "Akala ko'y magmamatigas ka pa rin at hindi ka lalapit sa akin, Kuya," anito. "Alam mo kung ano ang tama at kung ano ang mali. Bukod pa ro'n ay alam mo kung saan at kung kanino ka sasaya. Tandaan mo lang na kahit anong desisyon pa ang piliin mo ay suportado kita gaya ng pagsuporta mo sa bawat desisyon ko."

Namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Bumalik si Jikan sa pagbabasa niya habang si Reon naman ay nag isip. 'Alam ko ang tama at kung ano ang nararapat kong gawin, pero hindi kita kayang bitawan Chiteki. Bakit ba tayo napunta sa ganitong sitwasyon?' sa isip isip muli ni Reon.

"Tito Reon! Tito Reon!" 

Naagaw ni Koku ang atensyon ng Tito Reon niya kaya naman tumayo at sinalubong ito ni Reon. "Kiddo! Kumusta? You want to play with Tito Reon, huh?" nakangiting anito.

Tumango tango naman ang bata at saka naglululundag, gustong magpabuhat sa kanyang Tito. Lumapit din si Ishi bago saglit na nakipagtanguan kay Reon.

Nakangiting tinanaw nalang ni Jikan ang protector niya at ang panganay niyang masayang naglalaro. 'Hangad ko ang kasiyahan mo at ang kapayapaan ng Academy, Kuya Reon. Alam kong makakapagdesisyon ka rin ng para sa ikabubuti mo at para sa ikabubuti ng lahat ng Tokushu na naninirahan dito sa Academy,' sa isip isip ni Jikan. 

"Nakapag usap na kayo? Kumusta naman?" tanong ni Ishi kay Jikan. Ito naman ang umupo sa inuupuan kanina ni Reon.

"Hmmm, intayin nalang natin ang desisyon niya. Nagtitiwala akong magiging maayos din ang lahat," sambit ni Jikan.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon