EPILOGUE

272 14 3
                                    

EPILOGUE
The Consequence

A month had passed. Everything went back to normal. The only thing that changed was the appearance of my friends' parents.

The previous Q-Class and A-Class are united again.

"Koku!" tawag sa akin ni Hira.

Nilingon ko ito, "Hmmm?" tugon ko.

Lumapit ito sa akin, "Ano ka ba naman!" saway nito sa akin. "Para kang baliw dyan! Isang linggo ka na kamong tumutulala sa upuang nasa likod ng sa 'yo! Ipapatanggal ko na 'yan." Isang linggo, isang linggo na mula nang magpatuloy ang mga klase sa Academy.

Nagsilapit din sa akin sila Sena. "Tsk! Bakit nga kaya may sobrang upuan dyan?" anito. "Hindi naman kasama sa Q-Class si Kashi, 'di ba? Bukod pa ro'n ay nagpapagaling pa siya sa ospital." 

Ibinalik ko ang tingin ko sa upuan, there's something odd about that chair. I can't just point it out.

"'Wag mo na ipatanggal yung upuan, Hira," sabi ko kay Hira. "Let's leave it there. Parang magiging malaki bigla ang classroom para sa ating lima kapag tinanggal 'yan," pagdadahilan ko pa.

Tatanggi pa sana si Hira nang segundahan ako ni Rei, "I agree with Koku," anito. "Don't remove the chair."

Nagtatakang nagpalipat lipat ang tingin ni Ian sa amin ni Rei, "What's with the two of you? Sobrang nakakapagod ba ang personal training niyo?" tanong nito sa amin.

Nang makabalik kasi ang mga magulang nila ay nagkaroon kami ng karagdagang klase. Bukod sa mga asignatura na inaaral namin ay nagtetraining na rin kami kasama ang kanya kanya naming pamilya. Noong nakaraang buwan kasi namin mas nalaman kung saang aspeto kami mahina at kailangang mag-improve.

"Sakto lang," kibit-balikat na sagot ni Rei. "I'm actually enjoying my training."

Pabirong napairap si Sena, "Sino bang hindi mag-eenjoy, e, puro pagsakay lang sa dragon ang ginagawa mo," nang-aasar na anito.

"Ang duga naman," biglang reklamo ni Hira habang nakanguso. "Samantalang ako, nakakulong palagi mag-isa sa laboratoryo."

Natawa kaming lahat dito, "Hmmm," ani Rei. "Gusto niyong mag-unwind?" tanong nito sa amin.

"Talaga ba?!" excited na tanong ni Hira.

Ngumiti naman si Sena, "Malamang, Shinrei. Sinong aayaw sa gala kung palagi kang bugbog sa hapon?" anito. Mas matindi na kasi ang training ni Sena kumpara noong ang Kuya niya lamang ang sparring partner niya.

"Tara," sabi ni Rei bago ito tumayo.

Nagsisunuran naman kami dito. 

"Magdiditch tayo sa klase?" tanong ni Ian.

Agad na inirapan ito ni Sena, "Edi maiwan ka dito sa room. Magklase ka mag-isa," pabalang na anito. Kahit papaano ay unti unti nang bumabalik ang samahan nina Ian at Sena. 'Yon nga lang ay mas tumaray at naging pabalang na si Sena sumagot kapag si Ian ang nagsasalita.

"Sabi ko nga hindi na ako magtatanong, e," bulong ni Ian.

"Para kayong bata," ani Rei bago nito binilisan ang kanyang paglalakad.

"Hoy, Shinrei!" reklamo ni Sena.

Bakit ganito? Something's really missing. Parang dapat ay hindi lang kami lima.

"What are you thinking?" mahinang siniko ni Hira ang braso ko. "Care to tell us?"

Napabuntong hininga ako, "Nothing," sagot ko. Maybe I'm still tired from last month? 

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon