CHAPTER 36

260 22 0
                                    

CHAPTER 36
I won't Let You Go

"I saw a cave earlier. Let's stay there for a while until Rei sends the signal. What do you think?"

I nodded my head in agreement with Koku. Dumidilim na at dapat ngang makahanap na kami ng matutuluyan panandalian. We would be exposed to danger if we'll stay here, in the woods.

"Tara," aniya bago tumayo na at binitbit ang back bag na may mga lamang survival items.

Naglakad na kami papunta sa direksyong pinuntahan niya noong kumuha siya ng mga kahoy kanina. This part looks darker and more mysterious.

"Koku, what signal will Rei give us? Do you have any idea?" tanong ko rito.

Nilingon ako nito, "Parang hindi mo pa kilala ang taong 'yon, ah. Syempre magpapadala 'yon ng susundo sa atin. Hindi ko lang alam kung ano ang matitripan niyang ipadala. Alam mo namang topakin din 'yon, e," sagot niya bago tumawa.

Natawa nalang din ako dahil sa sinabi nito. I'm freakin' agreeing with him again, Rei's really unpredictable at times.

"Kumusta na kaya sila? Especially Mirai, paniguradong naninibago 'yon dahil sa ganitong quest." sambit ko.

"I'm actually worried, pero kapag naaalala kong si Rei ang kasama niya ay napapanatag ako," ani Koku bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Tinanguan ko siya, Rei is really trustworthy and he's capable of doing a lot of things.

"By the way, may napansin ka bang kakaiba pagkaalis ko kanina? We're still clueless on who's behind the attack earlier," ani Koku.

Umiling ako, "Wala," sagot ko dito.

Just like him, I didn't notice anything. The culprit was skilled as heck!

-----

"REI, I think it's time to send them the signal?"

Narito kami sa loob ng isang kweba kasama ang ilang mga hayop na naninirahan dito. Nakakaamaze lang dahil harmless silang lahat. Hindi ko na kailangang pahulaan pa dahil obvious naman kung bakit. Rei used his Tokushu Nōryoku.

My jaw dropped when he suddenly talk like a king and the animals inside the cave were his people. He keeps on giving commands like, 'Stay calm,' 'We won't harm you, no need to go berserk,' 'Just let us stay here for the meantime,' and so on and so forth.

His ability is really handy and advantageous!

"Hmmm," aniya bago biglang sumipol.

*Whistle*

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. What's with him? Why is he whistling? I mean, I find it inappropriate.

"What are you doing?" naguguluhang tanong ko nang tumigil na siya sa pagsipol.

Umiling ito ngunit hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Nanatili siyang nakatanaw sa labas ng kweba. Ano bang mayro'n? 'Yon na ba yung signal na sinasabi niya?! What the heck! Obviously, hindi aabot 'yon sa iba pa naming kasama kahit na gaano pa kalakas ang pandinig nila lalo na ni Sena!

"Rei, hindi nila maririni---" naputol ang sasabihin ko nang may mga pagaspas ng pakpak ng mga ibon akong narinig. What the?

"Hey, come in," ani Rei na nakatingin pa rin sa bukana ng kweba. What's happening?! Why am I getting goosebumps?!

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon