CHAPTER 28

288 34 1
                                    

CHAPTER 28
Something New and Beneficial

"SIR? Ano pong sinabi niyo? Namali po ata ako ng dinig?"

Dahan dahan akong lumapit dito nang makita kong natawa ito sa aking tanong.

"I said choose your weapon. Alin ba ang gusto mong matutunang gamitin sa mga ito?" aniyang muli.

Dahan dahan akong ngumiti bago inilibot na muli ang aking paningin sa iba't-ibang mga gamit na naririto.

"You can choose anything. If ever na higit sa isa ang gusto mo, we can fix it out," aniya pa.

Lumapit ako sa gawing kanan ng mahabang table bago hinawakan ang whip na nakalapag dito. "I want to learn how to use this, Sir," ani ko.

Nakita kong tumaas ang gilid ng labi ni Sir. "And?" aniya pa.

Muli akong naglakad at dinampot ang kanina ko pa gustong gusto talaga ngunit wala akong kompiyansa na matututo akong gumamit nito ng tama. "Ito po sana," nahihiyang sabi ko at itinaas ang bow and arrows.

"Very well," aniya bago kinuha ang mga inabot ko sa kaniya. "Let's start with the whip!" sabi pa niya bago ibinigay sa akin ang whip na inabot ko sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ko naman gaanong gustong matuto nito pero sa tingin ko kasi ay ito ang pinakamadaling gamitin sa lahat na naroon.

"Okay po," tugon ko rito.

Itinuro ni Sir Sento ang human size na target na nasa tapat niya. "Hit its neck and pull it towards your direction," aniya.

Tumango naman ako at saka huminga ng malalim, kaya mo 'to, Mirai!

Ihinaba ko na ang whip at saka sinubukang patamaan ang leeg ng target ngunit sa tagiliran ito tinamaan.

Napakagat labi naman ako sa nangyari, "Sorry po, Sir. Susubukan ko pong muli," paghingi ko ng paumanhin dito.

"Okay, try again," aniya.

Nang ihaba ko na ang whip ay mas tinaasan ko naman ang pagtarget ngunit tumama naman ito sa sahig. Ni hindi manlang tinamaan ang katawan ng target!

Muli akong humingi ng paumanhin at sumubok nang muli. Nakakahiya ka talaga, Mirai! Nakailang subok pa ako ngunit hindi ko parin matamaan ang leeg nito. Animo umiiwas ang target kahit na hindi naman ito gumagalaw dahil hindi ko ito mahuli.

"Mirai, it's okay. Maybe, whip is not for you," pagpapagaan ng loob na sabi ni Sir Sendo sa akin. Whip na nga lang 'yon ngunit hindi ko na magamit ng maayos, paano pa kaya ang ibang mas komplikadong weapons.

Yumuko ako bago nagsalita, "Sir, hindi po siguro ako marunong ng kahit na ano. Itong whip na nga lang po tapos hindi ko pa po magamit ng maayos," mahabang litanya ko.

Bumuntong hininga si Sir Sendo bago ako nito tinapik sa balikat. "Let's try the bow and arrows," aniya bago iniabot sa akin ang mga ito. "Do you know how to hold it?" tanong sa akin ni Sir Sendo.

Tumango naman ako dito bago isinuot ang lagayan ng arrows at ipinosisyon ang aking katawan para pakawalan ang arrows habang hawak hawak ang bow. Palagi rin kasi akong nanonood ng movies na ganito ang gamit ng mga bida! Kagaya nalang ng sa Hunger Games!

"Very good! That's the proper position in holding the bow. Let's see how you'll pull it off," aniya na nagpangiti sa akin. Nagbunga naman pala ang panonood ko ng movies! "Okay, try to hit a 10," aniya bago itinuro ang target board na nasa unahan. Siguro ay aabot ng limang metro ang layo nito sa akin?

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon