CHAPTER 58

129 10 2
                                    

CHAPTER 58
We're Doomed

"SAAN tayo papunta?" tanong ni Kage kay Ate Sho matapos naming makalabas sa gubat. Nakatulong na rin na gamay ni Ate Sho at ni Kage ang daan kaya naman napabilis ang paglabas namin dito.

"Sa Silangan. Malakas ang kutob kong dinala si Hira sa laboratoryong ginamit din kay Tita Chiteki noon," sagot ni Ate Sho dito. "Ang sasahol talaga ng ugali ng mga Akutō na 'yon," dagdag pa nito.

Nabalot kaming muling ng katahimikan. Mabuti na rin 'yon para mas makapag isip kaming lahat ng maayos lalo na at hindi biro ang gagawin naming pagliligtas kay Hira. Ano bang binabalak ng mga kalaban? Bakit ba nila ginagawa ang mga 'to?

"Kailan mo siya madadala rito?" 

Napahinto ako sa paglalakad noong makarinig ako ng pamilyar na boses ng isang lalaki. Saan nanggaling 'yon?

*Boogsh*

"Ano ba, Sendo? Ang dami ng oras ang nasayang sa kakaintay namin sa 'yong dalhin siya rito!" sigaw muli ng lalaki.

Napatalon pa ako sa gulat dahil doon. Agad akong nagtago sa likod ng mga naglalakihang cabinet na nasa loob ng silid. Para itong opisina ni Papa pero higit na madilim at maalikabok ang silid na ito.

"M-Malapit na, Papa," sagot ni Sir Sendo. Papa? Si Tito Tsuyoi ba ang tinutukoy niya? Hindi ba't patay na ang mga magulang nila ni Sena?

*Swish* 

Tahimik akong napalunok dahil sa gulat. Binato lang naman ng lalaki si Sir Sendo at hindi ito naiwasan ng huli. Nadaplisan siya sa tainga noong mahagip ito ng talim ng dagger na ibinato sa direksyon niya.

Tumayo ang lalaki at doon ko nakumpirmang si Tito Tsuyoi nga ito. "Naiinip na ako, Sendo. Kapag hindi mo nadala ang batang Saino sa lalong madaling panahon ay ako na mismo ang kukuha sa kanya at alam mong wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa mga hahadlang sa akin," nagbabantang anito. 

Yumuko si Sir Sendo kay Tito Tsuyoi, "O-Opo, dadalhin ko siya sa loob ng isang linggo, Papa," anito.

Umiling naman si Tito Tsuyoi, "Tatlong araw. Bibigyan kita ng tatlong araw bago ako mismo ang gagawa kung papalpak ka pa rin," anito.

"K-Kaya ko, Papa. Dadalhin ko si Hira rito sa loob lamang ng tatlong araw at hindi niyo na kailangang kumilos pa," ani Sir Sendo na nakayuko pa rin.

"Kapag pumalpak ka na naman ay hindi ko maipapangakong hindi mauulit ang mga tamang natamo mo noong nakaraan at sinisigurado kong magtatanda ka na, Sendo." 

Mga tamang natamo? Hindi kaya't ang mga tamang tinutukoy ni Tito Tsuyoi ay ang mga tamang mayroon si Sir Sendo noong unang klase nito sa amin?

Nakita ko ang paglunok ni Sir Sendo bago nito patagong ikinuyom ang mga kamao niya. "Hindi na ako papalpak, Papa," anito. 

"Mabuti kung gano'n dahil kung patuloy ka lang na gan'yan gumawa ng mga pinapagawa sa'yo ay ang kapatid mo na ang ipapalit ko sa pwestong mayro'n ka," anito bago nito tinapik ang balikat ni Sir Sendo.

"Kaya ko, Pa, hindi ko na kayo bibiguin. 'Wag lang nating abalahin at idamay si Senshi lalo na at wala naman siyang alam sa mga nangyayari," ani Sir Sendo na tumapang nang muli ang tinig.

Tinalikuran ni Tito Tsuyoi si Sir Sendo at saka ito naglakad papalabas ng silid. Bago pa man makalabas si Tito Tsuyoi ay huminto ito at saka nilingon si Sir Sendo, "Gawin mo ito para makasama na natin ang Mama mo sa lalong madaling panahon, Anak. Alam mong limitado na lang ang oras kaya kailangan na nating magmadaling kumilos."

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon