CHAPTER 22

425 34 2
                                    

CHAPTER 22
He won't Fail Us

"ARE you really okay?"

Ilang ulit pang tanong ni Kuya Koku sa akin. Tumango tango naman ulit ako rito. Masyado ata siyang nabigla sa nangyari kanina kaya ganito siya at alalang alala pa rin sa akin. Maging sila Sena ay nakailang tanong din sa akin kung ayos lang ba ako. Masaya sa pakiramdam na kapamilya na rin ang turing nila sa akin.

Inilahad ni Rei ang kamay niyang hawak hawak ang kanyang pin. "Pin it on your blouse for the meantime," aniya. "Hindi natin alam pero baka gano'n din ang iniisip ng iba at baka bigla ka nalang nilang sugurin. Mabuti na ang nag iingat," dagdag pa niya. May pa sabi sabi pa siya kanina na 'with or without her pin' haha.

Inabot ko naman ang pin niya at saka tinignan ang iba pa naming kasama. Tumango naman sila kaya naman ipinin ko na ito sa aking blouse. 'Yon nga lang, 'Shinrei' ang nakalagay dito at hindi ang aking pangalan.

"Wait, your name is Shinrei?" tanong ko kay Rei.

Tumango naman ito, "Yeah," aniya.

"Oo nga pala hindi mo pa alam ang mga buong pangalan namin at ang mga special ability namin," sabi ni Sena na ikinatango ko naman. Kahit na may hunch na ako sa kung ano ang mga special ability nila ay mabuti na ang sigurado.

"Nakikipagkwentuhan ka na para bang matagal na kayong magkakakilala pero hindi mo naman pala alam ang mga special ability nila. Tsk tsk," tumatawang sabi ni Kuya Koku bago ginulo ang aking buhok. Nagbalik na siya sa normal state niya! Mabuti naman!

"Sige ganito na lang, let's introduce ourselves isa isa. I'll start. I'm Senshi Asashin. You can call me 'Sena' and no one can beat my speed and agility. I'm a Warrior-Assassin," pagpapakilala nito bago sumaludo. Wow, so, tama nga ako na related sa bilis ang special ability niya! Kaya pala ang galing at pulido ng mga galaw niya kanina!

"I'm Gadian Boei, a Guardian. Just call me 'Ian'," maikling pagpapakilala ni Ian bago ngumiti. Guardian or protector, kaya naman pala gano'n nalang ang iniakto niya kanina. Ang galing!

"I'm Hira Saino, a Gifted Healer," maikling pakilala ni Hira bago ako nginitian. Tahimik lang talaga siya at si Kuya Koku lang ang nagpapaingay sa kanya dahil sa pangungulit nito. Hmmm, masasanay din ako sa kanila.

"I'm your brother just in case you forgot, Koku Akarui. I can see someone's past. Somehow an illusionist?" natatawang pakilala nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang illusionist. Ibig sabihin, he created an illusion kanina kaya nagkaganoon ang babaeng puppeteer! How can he say it like its not even a big deal?! Halos mabaliw na nga yung babae kanina!

"Shinrei 'Rei' Kan," sabi ni Rei bago itinikom nang muli ang kanyang bibig. I eyed him intently. Wala na ba siyang balak dugtungan ang sasabihin niya? "And I'm just a simple guy," aniya bago tumayo at naglakad na papalayo.

"'Wag kang maniniwala doon! He's far from being simple!" sigaw agad ni Sena.

Nilingon ko naman ito, "Why didn't he tell me about his special ability? Is it forbidden or something more special?" tanong ko dito.

"Well, he doesn't like bragging things. He prefers to be you know 'low-key'?" sagot ni Sena.

Tumango na lang ako. If he don't want to tell me, then don't. Malalaman at malalaman ko rin naman 'yon because we belong in the same class.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon