CHAPTER 10

480 31 0
                                    

CHAPTER 10
Keep Her Safe

"HIRA! Hira! Hira!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na sumisigaw. Nakita ko ang lalaki sa Convenient Store na tumatakbo papalapit sa isang babae. Yung babaeng nakita kong nagbabasa ng Japanese na libro! Oo pala, the guy's name is Koku, I almost forgot about his name. Tapos the girl's name is Hira? Right. It's Hira, just like the book she was reading 'Hiragaido.'

"Ano na naman ba, Koku?! Babalian na kita ng buto dyan e!" inis na baling ng babae kay Koku. They're entertaining! Halos ihambalos na ni Hira ang bag niya kay Koku. Marahil ay nairitang maigi, ipagsigawan ba naman ni Koku ng malakas ang pangalan mo sa isang public place! Ang dami pa namang tao dito! Speaking of place, nasa loob sila ng isang school. They're wearing uniforms, just like the other people that surrounds them.

"Sasabay lang naman ako sa 'yo papuntang classroom, e! Bakit ba ang sungit sungit mo sa akin, ha?" pabalik na bulyaw sa kanya ni Koku nang masabayan na si Hira sa paglalakad. Agad naman nitong kinuha ang bag na nakasabit sa balikat ni Hira. Sinamaan naman siya ng tingin ng dalaga ngunit hindi niya ito inintindi at nilakihan pa lalo nito ang mga hakbang niya hanggang sa lumaki ang distansya nilang dalawa.

"Hoy, ano ba, Koku?! Titirisin na kamo kita! Ang aga aga, e, nambibwisit ka!" sigaw sa kanya ni Hira habang tumatakbo para maabutan si Koku. Nang maabutan niya ito'y pinagpapalo niya ang kaliwang braso ni Koku na matulin pa rin ang paglakad.

Tumigil sa paglalakad si Koku bago binalingan si Hira. "Alam mo ikaw, Hira, ikaw lang ang kilala kong healer na ubod ng bigat ang kamay!" bulyaw sa kanya ni Koku bago ito biglang tumakbo papalayo habang suot suot na ang bag ni Hira sa balikat niya.

Agad namang tumakbong muli si Hira para habulin ito habang kunot na kunot ang noo at namumula na ang mukha sa inis. "Hoy, Koku! Akin na kasi ang gamit ko, sabi!!"

"Kung maaabutan mo ako!" nang aasar na sigaw ni Koku na patuloy pa rin sa pagtakbo.

"Ouch!"

Napaupo ako sa lapag nang matisod ako sa malaking ugat ng malaking puno! Bakit ba kasi pahara harang 'tong puno na'to, e!

Hinayaan ko muna ang sarili kong manatili sa pagkakaupo para magpahinga panandalian. Kaninang kaninang kaninang kanina pa ako naglalakad! Umaga pa noong maihatid ako ni Tay Rojin, pero hapon na ngayon!

"Unang pagkikita palang natin, alam na namin ng asawa ko na may kakaiba sayo at katulad ka namin. Kaya nga, hindi na kami nag atubiling tumulong lalo na at nakikita namin sa'yo ang aming apo. Parehong pareho kasi kayo," pagpapatuloy ni Tay Rojin. Hindi ako nakaimik sa pagkabigla. Katulad ng nakasanayan ay laging may mga nakakagulat na bagay ang aking nalalaman nang hindi ko inaasahan. "Mag-iingat ka, Mirai, basta tatandaan mong hindi mo kami kalaban at kung kailangan mo ng tulong, maaasahan mo kami. Alam mo naman kung saan kami mahahanap. Hanggang sa muli," sabi pa ni Tay Rojin bago itinigil ang kanyang sasakyan.

Tinignan ko ang labas. Nandito na kami sa bukana ng gubat. Bagama't nabigla ay bumaba na ako ng jeep at saka tumingin kay Tay Rojin.

"Salamat po, Tay Rojin, tatandaan ko po ang inyong mga bilin. Mag-iingat din po kayo," sabi ko bago siya nginitian. Isang malaking blessing talaga na nakilala ko sila!

Nginitian ako ni Tay Rojin bago tumango. "Sige na, Mirai, at malayo pa ang Academy. Mag iingat ka palagi!" aniya bago binuksan na muli ang makina ng kanyang sasakyan at pinaandar ito. Ikinaway ko na lang ang aking kamay at tinanaw ang sasakyan ni Tay Rojin hanggang sa mawala ito sa aking paningin.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon