CHAPTER 51

149 12 0
                                    

CHAPTER 51
Birthday Celebration and Reunion

"HAPPY birthday."

I glanced at my side to see who greeted me. I saw Rei who's leaning on the wall while holding a flower. He looks like he's waiting for someone? Although I'm not certain about that.

"Thank you but it's not my birthday yet," I said bago ngumiti ng bahagya. Ilang araw pa bago ang 16th birthday ko na itinuturing na legal age para sa mga Tokushu.

Nilingon naman ako nito na bahagya pang nagulat, animo hindi inaasahan ang presensya ko. Wait, akala ko ba ay binati niya ako?

"Uuuh, sorry. Akala ko kasi ay ako ang kausap mo," napahiyang ani ko bago tumalikod. "Sige, alis na ako," dagdag ko pa.

Hindi ko na hinintay pang sumagot si Rei at mabilis na akong tumakbo papalayo. Ang feelingera mo naman, Mirai! Aish!

Pero sino kaya ang kausap niya? Madilim na kasi kaya hindi ko rin naaninag. Akala ko talaga ay ako yung kausap niya, geez! Nakakahiya!

Napailing nalang ako matapos kalmahin ang sarili. Wala naman na akong magagawa dahil napahiya na ako at hindi ko na mababawi pa 'yon.

Inabot ko ang sling bag na dala ko at saka ito binuksan. Nasaan na nga ba ang telepono ko? Kailangan kong tawagan sila Kuya dahil mukhang wala ata silang balak umuwi.

*Ring* *Ring*

"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya. Eh? Si Papa?

"Pa?"

"Oh, Mirai! Kumusta?" bati nito sa akin.

Napangiwi naman ako dahil dito. "Ayos naman po. Nasaan si Kuya?" tanong ko, nagtataka kung bakit si Papa ang sumagot sa tawag ko.

Nanahimik sandali si Papa. "Ah, tulog ang kapatid mo, e. Napasobra kami sa training, alam mo na," alanganing sagot nito. May itinatago 'tong si Papa, e, nararamdaman ko.

"Gano'n po ba? Eh, makakabalik na po ba kayo bago ang birthday ko? Pwede naman pong ipagpaliban yung party o kaya ay 'wag na magpaparty," mahabang sambit ko. Sila kasi ni Kuya ang nagpupumilit na magkaroon ako ng Party pero sila namam yung wala dito sa Academy. Mga scam din, e.

"Darating kami dyan ng Kuya mo sa araw ng kaarawan mo kaya ituloy niyo ang Party mo. 'Wag mo kaming masyadong alalahanin dahil kaya naman namin ng Kuya mo ang mga sarili namin," sagot ni Papa. Hmm?

"Sige po. Mag iingat po kayo dyan. Hihintayin namin kayo," sagot ko bago ibinaba na ang linya.

Bakit ba biglang nawala ang mga tao dito sa Academy? Hays.

"ISUOT mo na 'to, Mirai! Mag uumpisa na ang party mo maya maya pero hindi ka pa nakaayos!"

Nagpapanic na sila Sena dahil malapit nang mag umpisa ang birthday celebration ko pero hindi pa rin sila matapos tapos sa pag aayos sa akin. Bakit ba kasi ang daming kailangang ilagay sa mukha ko? Hindi pa naman ako sanay sa mga ganito!

"Oo na, akin na yung damit," sambit ko bago tumayo.

Lumapad naman ang ngiti ni Sena bago iniabot sa akin ang gown na kulay itim pero kumikinang at nagiging pula kapag naliliwanagan. Kakaiba ang tela nito bagama't malamig sa balat.

Hinila ni Hira si Sena bago kumaway sa akin, "Mauuna na kami dahil kailangan din naming magpalit ng damit, Mirai!" sigaw nito.

Tinanguan ko sila bago nginitian, "Sige, sige! Salamat! Kita nalang tayo mamaya!" sigaw ko pabalik bago nagtungo na sa banyo para magpalit ng damit.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon