CHAPTER 3

738 40 0
                                    

CHAPTER 3
At least I did Something

WHAT the heck? It's getting on my nerves already! Sumasakit na naman ang ulo ko. Palagi na lang ganito kapag may nababasa o nakikita akong related sa 'Tokushu Nōryoku Academy' o sa '特殊能力' na 'yan!

*Buzz* *Buzz*

Agad kong kinuha ang telepono kong nakapatong sa side table. May message galing kay Shinyu!

'Mirai! Anyare? Yru calling me? I'm kinda busy rn, e. Talk to you tomorrow!'

Napabuga na lang ako sa hangin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at kinalma ang aking sarili. I'm very curious and I know it'll bring no good.

I took a picture of the japanese seal at saka nilikom ko na ang mga gamit ko. I lay down on my bed and tried to sleep. But heck, I can't! Agad akong tumayo at dumaretso sa baba. Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng gatas. I actually have trouble with sleeping. There are times that I can't sleep and I'll just stay awake and wait until the sun rises.

"Can't sleep?" 

Napalingon ako kay Mama. Hindi ko manlang naramdaman na papalapit siya. Gano'n ako ka distracted at wala sa wisyo.

"Opo, ikaw?" I asked her. It's unusual na magkasabay kami ng oras sa pagbaba.

"Hindi rin, e, naiisip ko kasi ang Papa mo," malumanay na sabi ni Mama. Tinitigan ko siyang maigi. Bakas ang lungkot sa mga mata ni Mama. Maging ako ay nahawa at parang gusto kong umiyak para sa kanya.

Nilapitan ko si Mama at niyakap. "Miss na miss mo na si Papa, Ma?" tanong ko habang nakayakap kay Mama. Naramdaman ko naman ang marahang pagtango ni Mama.

"Pasensya ka na, Anak, hindi natin kasama ang Papa mo. Edi sana buo ang ating pamilya," emosyonal na sambit ni Mama. 

Bumitaw naman ako sa pagyakap at mataman siyang tinitigan. "Ma, ano ba talaga ang nangyari? Bakit hindi natin kasama si Papa? Tanging litrato niya lamang ang mayroon tayo." Hindi ko na napigilang hindi magtanong kay Mama. Naghalo halo na ang mga iniisip ko. Ang kakayahan ko, ang mga nakikita ko, ang aming pamilya, at ang sarili ko. Hindi ko na lubos maisip kung ano ang uunahing intindihin.

Sabi ng mga matatanda, natural lamang sa mga bata ang magtanong, ngunit lumaki akong kung ano lamang ang sinasabi ni Mama ay 'yon na 'yon. Kahit may mga pahabol akong tanong ay hindi ko na ito sinasabi dahil iniiwas lang din naman ito palagi ni Mama. Lumaki akong hindi alam kung bakit nga ba kami lang ni Mama ang magkasama. Marami akong naiisip gaya ng kung nasaan ba si Papa, kung buhay pa ba siya, kung may iba ba siyang pamilya kaya hindi namin siya kasama, at kung anu-ano pang mga bagay na hindi naman nililinaw sa akin ni Mama.

Nagbaba ng tingin si Mama. Hinawakan ng kanang kamay niya ang palasingsingan niya sa kaliwang kamay niya na mayroong manipis at gintong singsing. Napatitig ako sa singsing na suot-suot niya.

Unti-unting nagbago ang paligid. Ang aming kusina ay naging opisina. Napakaganda, malinis at elegante. Panlalaking-panlalaki at malaki ang espasyo. Maraming rack ng mga libro, parang may sariling library ang may-ari ng opisinang ito. Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa makita ko sa pader ang mga salitang 'Tokushu Nōryoku Academy'.

"Sir Gunshi, ipinatawag niyo raw po ako?" 

Napalingon ako sa nagsalita. Isang gwapong lalaking nasa 20's. Kung iisipin ay mukhang ka edad niya lamang si Miss Yonda. Bagay silang dalawa. Isang seryoso at isang pangiti ngiti palagi.

"Reki, nalalapit na ang oras. Sabihan mo siya na kailangan na silang madala dito bago pa magkaroon ng problema." Napalingon naman ako sa nagmamay-ari ng malalim na boses na 'yon. Isang lalaking nasa early 40's? Halatang halata ang authority na mayroon ito. Bagama't naka-casual clothes ay hindi nito naapektuhan ang aura na mayroon ang lalaki.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon