CHAPTER 13

435 33 0
                                    

CHAPTER 13
It's More than That

"SENA!"

Nakita ko si Hira na tumatakbo papalapit sa isang babae. Siya yung babaeng nasa loob din ng classroom ng Q-Class! Nakaupo ito sa ilalim ng puno habang nakapikit at nagsa soundtrip gamit ang earphones na suot suot nito.

"Hoy! Sena!" yugyog ni Hira sa tinawag niyang 'Sena'. Kumunot naman ang noo ni Sena pero hindi ito nagmulat ng mga mata. Inis na tinigilan ito ni Hira bago sumalampak ng upo sa damuhan. "Si Koku kasi, e, nakita kong may kausap sa hallway kanina! Yung magandang babae sa A-Class!"

Agad namang nagdilat ng mga mata si Sena bago ngumisi, "Eh, kasi naman Hira, ayaw mo siyang pansinin. Palagi ka namang kinukulit noong tao pero lagi mo siyang itinutulak palayo. Natural lang na humanap 'yon ng iba, no!"

Kumunot lalo ang noo ni Hira bago gigil na pinagbubunot ang mga damo sa harapan niya. "Eh, bakit ba? Babae naman ako, ah? Bawal bang magpakipot ng kahit na kaonti?" aniya habang patuloy pa rin sa ginagawa.

"Hira, hindi kaonti lang ang ginagawa mo. Tsk tsk," ani Sena bago ipinikit muli ang kanyang mga mata. "Doon ka na nga, ang ingay mo, e," dagdag pa ni Sena habang iwinawasiwas ang kamay niya na animo itinataboy si Hira.

"Nakakainis kasi, Sena! Bakit kailangan nilang magtawanan doon sa Hallway? Tapos dumaan ako pero hindi manlang ako pinansin ni Koku! Aish!" pagpapatuloy ni Hira. Selos na selos, amp. Akala ko pa naman ay si Koku lang ang may gusto dito! Mutual naman pala ang nararamdaman nila, mga tao talaga, oo! I mean mga super tao pala!

"Sena! Hira!"

Sabay sabay kaming napalingon nila Sena at Hira sa tumawag sa kanila. Si Koku! Kasama din niya yung isa pang lalaki na taga Q-Class. Wow, ano 'to, meet your new classmates na kaagad? Sobrang bongga naman pala talaga na hindi ko pa sila nakikita sa personal pero kilala ko na sila.

"Anong ginagawa mo rito, Ian?" tanong ni Hira, obviously ignoring Koku. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Koku at tumaas ang kilay ni Ian.

"Sinusundo kayo," maikling sagot ni Ian bago sinulyapan si Sena na nakapikit pa rin. Nilapitan niya ito bago umupo sa gilid nito. "Alam kong gising ka, Sena, kaya tumayo ka na dyan at tara na!" aniya saka hinawakan ang kanang braso ni Sena at saka hinila ito papatayo.

Kumunot na naman ang noo ni Sena bago idinilat ang kanyang mga mata, "Bakit ba ang gugulo niyo? Tigilan niyo nga muna ako at I need peace of mind, okay? Hindi ko 'yon makukuha kapag kasama ko kayo!" sigaw ni Sena bago pilit na kinukuha ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Ian.

"Isa, Sena, 'wag matigas ang ulo. Sinong nagsabi sa 'yong pwede mo akong takasan, ha?!" bulyaw sa kanya ni Ian na ikinatahimik naman ni Sena. Tahimik na nagpahila na lang ito kay Ian at hindi na nagreklamo pa.

Naiwan si Hira at Koku habang ako ay nanatili pa ring nakamasid sa kanila. Mataray ang itsura ngayon ni Hira samantalang nakakunot pa rin ang noo ni Koku. Ampanget naman neto! Hays.

"Why are you avoiding me? Are you angry? What did I do?" tanong ni Koku saka lumapit kay Hira. Inirapan naman siya ng dalaga bago binato ng damong kanina pa nito pinagbububunot.

"Nakakairita ka!" sigaw ni Hira na ikinagulat naman ni Koku. Inirapang muli ni Hira ang binata bago muling inabala ang sarili sa mga damo.

"Bakit ka ba nagagalit, Hira? Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo, ah?" ani Koku na may marahang tono. Inaamo si Hira na may gusto naman din pala sa kanya. Hays, buhay nga naman, sana all.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon