CHAPTER 20

397 33 0
                                    

CHAPTER 20
How Q-Class Plays a Mind Game

"GOOD morning, Gakusei!"

Napatingin kaming lahat sa unahan. Nandito na pala si Tita Yonda. Hindi ko manlang siya namalayang pumasok sa pintuan palibhasa'y nalibang ako sa pakikipag usap kina Sena. Nakakatuwa silang kasama!

"Good morning, Miss!" sagot namin sa pagbati niya kanina.

Tumango naman si Tita Yonda bago iginala ang tingin sa amin, "Where's Rei?" tanong nito noong mapansing bakante ang upuan sa aking tabi.

Tinanong ko nga kanina sila Ian pagkadating namin ni Kuya, oo, magaling na si Ian, napakagaling pala talaga ng mga manggagamot dito sa Academy at akala ko'y nagbibiro lang si Papa noong nakaraang pag-uusap namin. Hindi raw nila naabutan si Rei noing magising na sila at wala na raw ito kaagad sa bahay na tinitirhan nila. Ako nalang din kasi ang hindi pa nagsi-16 sa aming anim kaya hindi ako maka relate sa kanila.

"I'm here!" bungad ni Rei na biglang pumasok ng classroom. Mabuti naman at kumpleto na kami! Hindi rin kasi maganda sa pakiramdam kapag may makikita kang bakanteng upuan.

"Good, take your seat," sagot ni Miss Yonda. Napagpasyahan kong 'Miss Yonda' ang itawag sa kanya kapag ganitong siya ang nagtuturo sa amin. Nakita ko namang ngumiti siya sa akin. Oo nga pala, nakakabasa siya ng isip. Hays.

"Dahil we just had a discussion yesterday, today's a much lighter day. I guess?" aniya na animo hindi pa sigurado. Nakita ko ang ngisi sa mga labi ni Tita- I mean, Miss Yonda. "I have 6 folded papers here at bubunot kayo ng isa para malaman ninyo kung sino ang makakagrupo ninyo, okay? Come on, pumunta na kayo dito sa harap isa isa," dagdag pa niya habang ipinapakita ang mga nakatuping papel.

Naunang tumayo si Ian na tahimik na kumuha ng papel at tahimik rin na umupong muli. Sumunod naman si Kuya Koku na sumipol sipol pa matapos makabunot. Sumunod si Hira na katulad ni Ian ay tahimik lamang. Hindi pa nakakaalis sa unahan si Hira ay naroon na kaagad si Sena, parang si Kuya Koku siya na sobrang excited. Kung gaano ito kabilis na nakapunta sa unahan ay ganoon din ito kabilis na nakaupo. Tumayo na ako dahil ako na ang susunod at saka nagtungo sa unahan. Mataman kong tinignan ang dalawang papel bago kinuha ang papel na nasa kanan. Tumalikod na ako at muling bumalik sa aking upuan. Si Rei naman ay marahang kinuha ang natirang papel at saka bumalik sa kanyang upuan.

"Okay, pwede niyo na tingnan ang mga nabunot niyong papel. Ang mga nakakuha ng papel na may sulat ay pumuwesto sa kanan at ang mga nakakuha naman ng blangkong papel ay pumuwesto sa kaliwa," paliwanag ni Miss Yonda. Binuksan ko na ang papel na hawak ko at nakitang blangko ito kaya naman tumayo na ako at pumunta sa kaliwang bahagi ng classroom. Ganoon din ang ginawa ng iba at nagkanya kanya na kaming punta sa magkabilang gilid ng classroom.

Napangiti ako nang makita ko si Sena na papalapit sa aking pwesto. Ibig sabihi'y kagrupo ko siya! Nakita ko naman si Kuya Koku at si Hira na nasa kanan. Si Rei at Ian nalang ang hindi pa umaalis sa kanilang mga puwesto.

"Hoy, Ian! Punta na rito, aba!"

"Rei, Dude, tara na rito!"

Magkasabay na sigaw ni Koku at ni Sena habang pareho lamang kaming tahimik ni Hira at nanonood lamang sa kanila. Tumayo naman ang dalawa, papunta rito si Ian at si Rei naman ay sa kabila.

Bumaling ako kay Sena, "Paano mo nalamang kagrupo natin si Ian?" tanong ko sa kanya na nanlalaki ang mga mata.

"'Wag kang mag-alala, hindi ako seer gaya mo. Nanghula lang ako!" aniya bago tumawa. Hinayaan ko nalang siyang tumawa at saka ako ngumiti. Ang carefree talaga ng babaeng 'to!

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon