GLIMPSES OF THE PAST 14

107 10 0
                                    

GLIMPSES OF THE PAST 14
Bring You Back to Life

KANINA pa paikot ikot si Rufu sa sala ng kanilang bahay, hindi mapakali magmula nang umalis si Kabe at iniwan ang mga bata sa kanilang bahay. 

"Are you okay?" tanong ni Sho bago hinawakan ang kamay ni Rufu. 

Hindi manlang namalayan ni Rufu na lumapit pala sa kanya si Sho habang si Seno at Shin ay nakatitig din sa kanya.

Maliit na ngiti ang iginawad ni Rufu sa mga bata, "Nag-aalala lang ako pero ayos lang ako," aniya bago tumabi sa mga ito.

Mabuti nalang din at tulog na si Gadian sa kanyang bisig. 

"Magiging maayos din po ang lahat," ani Sho. 

Tumango nalang si Rufu dito bagama't matindi pa rin ang pag aalala niya para sa kanyang asawa. 

*KNOCK* *Knock*

"Rufu?" tawag ni Gunshi mula sa labas ng pinto ng bahay nila Rufu.

Agad namang tumayo ang huli para salubungin ang kanyang kaibigan. "Gunshi! Kumusta?" bungad agad nito. Hindi pa man nakakasagot si Gunshi ay bumakas na ang pagkalito sa mukha ni Rufu nang hindi niya mamataan ang kanyang asawa na si Kabe, "Nasaan si Kabe? Sumunod siya sa inyo, ah?" tanong nito.

Bumakas din ang pagtataka sa malamlam na mga mata ni Gunshi, "Hindi ko siya kasama. Matapos umalis ni Tsuyoi kanina ay nawala rin bigla si Kabe," sagot ni Gunshi. "Ang mga bata nga pala?"

"Ah, baka magkasama sila ni Tsuyoi, alam mo naman ang dalawang 'yon laging magkadikit," tumatango tangong ani Rufu bago pumasok muli sa kanyang bahay.

Sumunod naman dito si Gunshi na may hindi maipaliwanag na itsura. "Rufu, may hindi ka pa nalalaman. Mabuti sana kung pribado nating pag-usapan," habol ni Gunshi kay Rufu bago pa ito makalapit sa mga bata na nasa sala.

Bumakas muli ang pagtataka sa mukha ni Rufu, "Ha?" anito. Biglang kumabog ang dibdib niya, binalot siya ng kaba. "S-Sige, doon nalang tayo sa kusina mag-usap," anito bago ibinaba sa kuna si Gadian na mahimbing na natutulog.

Tahimik na sumunod dito si Gunshi bago sila naupo sa mga upuang nasa dining para mag usap.

"Anong hindi ko nalalaman, Gunshi?" tanong ni Rufu, pilit na nilalabanan ang kaba.

Saglit pang nanahimik si Gunshi bago ito bumuntong hininga, "May nagpasabog kanina sa building na ginagamit ng mga estudyante ng Academy. Naging malaki ang impact nito kaya naman halos lahat kami nila Kabe ay doon dumaretso," pag uumpisa ni Gunshi.

Tumango naman si Rufu, "Kaya pala may nabanggit kanina si Kabe na problema ng Academy," ani Rufu.

"Hindi namin inaasahan na panlilinlang lamang ito at ang target pala talaga ay ang ospital," ani Gunshi bago ito nag iwas ng tingin. 

Nanlaki ang mga mata ni Rufu dahil sa gulat. Isa ang ospital sa pinaka vulnerable na area sa loob ng Academy dahil naroon ang mga injured, may problema sa pag aadapt ng kanilang Tokushu Nōryoku at ang mga naka confine dahil sa pagdadalang tao. "Si Yuki at si Nasu! Naro'n sila, 'di ba?!" gulat na sambit ni Rufu matapos pumasok sa isip niya ang mga matalik niyang kaibigan.

"Oo, naro'n sila. Maagang nailabas si Nasu dahil hindi pa ito nangangak at bukod sa pagdadalang tao ay wala naman nang ibang komplikasyon ang mayro'n ito."

"S-Si Yuki? Anong nangyari kay Yuki?" kabadong tanong ni Rufu matapos biglang tumigil ni Gunshi sa pagsasalita.

"Nanganak si Yuki habang papaguho na ang Academy, Rufu. Hindi namin siya kaagad nailabas dahil kailangan pa ang mga machine na nakakabit din sa katawan niya. Bukod pa ro'n ay may naglagay ng seal kay Yuki," sagot ni Gunshi.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon