GLIMPSES OF THE PAST 12

125 10 0
                                    

GLIMPSES OF THE PAST 12
A Friend's Sacrifice and Regrets

NAABUTAN ni Gunshi si Tsuyoi na nagwawala habang nagpupumilit na makapasok sa loob ng ospital. Kasalukuyan kasing napapalibutan ito ng mga Heishi dahil pinipigilan nila ang pagdami pa ng casualties. 

"Ano ba?! Papasukin niyo ako! Naro'n pa sa loob ang asawa ko!" sigaw ni Tsuyoi.

Pilit na pinipigilan ito ng mga Heishi kaya naman lumapit kaagad dito si Gunshi, "Hayaan niyo siya," ani Gunshi bago tinapik ang balikat ng mga Heishi.

Hindi naman ito nilingon ni Tsuyoi at saka nagdaredaretso nang papasok ng ospital.

"Marami pa bang nasa loob?" tanong ni Gunshi sa mga Heishi bago ito matamang tumingin sa ospital. 

"Iilan ilan nalang po dahil natunugan din po kaagad ni Doc. Ishi ang mga pasabog at naitawag kaagad sa amin. Naro'n din po sa loob ang karamihan sa mga Heishi kaya maya maya pa't magiging ayos na po ang lahat," ani ng Heishi na pumipigil kanina kay Tsuyoi.

Tumango si Gunshi, "Papasok ako sa loob upang makasigurado. Manatili kayong nagbabantay sa mga Tokushu na naririto. Baka hindi pa tapos ang mga pagsabog," pagbibigay ng instructions ni Gunshi bilang isa sa mga namumuno sa Academy.

"Yes, Sir," sambit ng mga Heishi na naro'n.

Hindi na nagpatumpik tumpik si Gunshi at mabilis din itong pumasok sa loob ng ospital. Nababalutan din ito ng usok at apoy gaya ng sa mga gusaling pinasok nila kanina. Hindi kasi normal na pampasabog lamang ang ginamit sa mga gusaling pinasabog kaya naghahalo ang usok at apoy bukod sa alikabok at mga nalaglag na debris.

Kagaya kanina ay dinaanan ni Gunshi ang lahat ng hallway para masiguradong wala nang naiwan sa loob. Nakarating din siya sa ikatlong palapag ng ospital kung saan dinadala ang mga naaadmit na pasyente. Kalimitan ay mga buntis at severely injured ang mga Tokushu na naaadmit sa ospital.

Doon bumungad sa kanya ang mga kaibigan niya. Si Ishi ay kasalukuyang inaasikaso si Yuki dahil nanganganak ito. Nasa gawing ibaba ni Yuki ang mga Nurse at ang isa sa iilang mga babaeng doctor ng Academy upang alalayan ang batang isinisilang nito habang hawak naman ni Tsuyoi ang kamay ng kanyang asawa. Si Nasu naman ay kasalukuyan nang inililipat ng mga Heishi sa stretcher para mailabas ng building. Delikado na sa loob ng ospital ngunit tiyak na may delikado kung hindi pa mapapaanak si Yuki.

Lumapit si Gunshi sa mga Heishi na naglilipat kay Nasu, "Bilisan ninyo siyang mailabas dito dahil mukhang hindi na maganda ang lagay ng ospital. Wala pa sila Kabe para pumigil sa pagguho nito," aniya.

"Sige po, Sir," sagot ng isang Heishi bago nila maingat na inilabas si Nasu.

Nilapitan naman ni Gunshi sila Ishi, "Kailangan niyong bilisan, Ishi. Wala pa si Kabe at malayo pa ang tinutuluyan ng mga guardian mula rito. Hindi natin mapipigilan ang pagguho ng ospital," seryosong sambit niya. 

Tumango naman si Ishi, "Kaya mo 'yan, Yuki. Konting tiis pa," anito.

"Sige pa, Yuki, malapit nang lumabas ang bata," sambit ng babaeng doctor. 

Habang tumatagal ay mas lalong tumataas ang tensyon sa loob ng silid. Unti unti kasing bumakas ang mga cracks sa pader at unti unti na ring bumababa ang ceiling na animo hindi kinakaya ang bigat ng nasa itaas nito.

"Aaaaaaah!" sigaw ni Yuki na hinang hina na. Inuubos ng pagdadalang tao niya ang kanyang lakas.

"Yuki! Yuki! Konti nalang, 'wag kang mawawalan ng malay," ani Tsuyoi na kabadong kabado na at buo buo pa ang mga pawis na namumuo sa kanyang noo.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon