GLIMPSES OF THE PAST 13

119 11 2
                                    

GLIMPSES OF THE PAST 13
Tsuyoi's Aspiration and Kabe's Sacrifice

"DO you want her back?"

Agad na napalingon si Tsuyoi sa kanyang kanan kung saan nanggaling ang boses ng isang hindi pamilyar na babae. Bagama't pamilyar sa kanya ang bulto ng katawan ng babae ay nakasuot ito ng maskara kaya naman hindi niya mapangalanan kung sino ito.

"Who are you?" mahinang tanong ni Tsuyoi.

Unti unting lumapit ang babae sa kinaroroonan ni Tsuyoi. Nagawi ang paningin ng babae sa walang buhay na si Yuki na yakap yakap ni Tsuyoi. Kasalukuyan kasi silang nasa harapan ng lake na palagi nilang tinatambayan noon.

"I said, do you want her back?" tanong muli ng misteryosang babae.

Naguguluhan man ay tumango si Tsuyoi, "I badly want her back," anito bago pinakatitigan ang maputlang mukha ng kanyang asawa.

"Very well," sambit ng babae. "I'll bring her back to life again."

Bumakas ang gulat at pagtataka sa mukha ni Tsuyoi, umaasa bagama't nagtataka. "W-What did you say?" tanong ni Tsuyoi.

"I'll bring her back to life," wika ng misteryosang babae.

"C-Can you do that?" naantig na ang buong interes at atensyon ni Tsuyoi.

Tumigil ang babae sa harapan ni Tsuyoi bago nito pinakatitigan ang mukha ni Yuki, "I can but I need a payment in return," anito.

Tumango kaagad si Tsuyoi, "I'll pay! I can pay! Just name your price!" mabilis na saad ni Tsuyoi.

Umiling ang babaeng nakamaskara, "I don't need your money, Asashin," anito.

"W-What do you need? I can compensate!" ani Tsuyoi, desperado nang mabuhay muli ang kanyang asawa.

"There are a few conditions first, Asashin," panimula ng babae. "I can bring your wife back to life at this very moment but she'll be in deep slumber until the blood that she needs will be given to her."

"What do you mean 'the blood that she needs'?" tanong ni Tsuyoi.

"The blood that she'll need is the blood of the gifted Saino."

"B-Bakit? Bakit kakailanganin pa ng dugo ng isang Saino?" naguguluhang tanong ni Tsuyoi.

"Every Saino has a distinct blood that can offer refreshment and energy. The gifted Saino's blood will cure the illness that your wife has when she was still alive and I'm certain with that," paliwanag ng babae.

Natahimik sandali si Tsuyoi hanggang sa binasag muli ng babae ang katahimikan.

"If you don't want your wife back, then I'll get going," anito.

Bago pa man makatalikod ang babae ay nagsalita na si Tsuyoi, "What is the payment for the help that you're offering?" tanong nito.

"Work for me and hmmm I need you to kill someone in the future," sambit ng babae.

Natigilan naman si Tsuyoi dahil sa sinabi ng kanyang kausap, "W-Who's life are you referring to?" tanong niya.

Hindi sinagot ng babae ang tanong ni Tsuyoi. "Do you want your wife back or not? I'm the only one who can help you, Asashin. I'm only asking for a single soul and you won't even agree to that? I thought you love your wife?" anito.

Natigilan naman si Tsuyoi, saglit itong nag isip. 'I really want her back and I'll do anything for her,' sa isip isip nito. "I'm in," desididong sambit ni Tsuyoi.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon