CHAPTER 55

153 11 0
                                    

CHAPTER 55
Unraveling the Past

"KUYA!" sigaw ko pagkakita ko kay Kuya. 

Narito na rin sila. Mabuti naman at kumpleto na rin kami!

"Mirai! Hira!" malakas na sigaw ni Sena. Nauna pa nga siyang lumapit sa amin ni Hira kumpara kina Kuya. Wala talaga akong masabi sa bilis niya!

"Sena! Kumusta?" bungad dito ni Hira. 

Ngumiti naman ng malaki si Sena. "Ayos naman, medyo pagod lang pero keri naman!" hyper na sagot nito pabalik. Niyakap pa kami nito sandali.

Nilingon ko si Kuya na nakalapit na rin sa amin. Agad ako nitong yinakap. "Kumusta, Lil Sis? Ayos ka lang ba?" pangangamusta nito.

Napangiti naman ako dahil dito, ano kayang nakain ni Kuya at parang may kakaiba sa kanya ngayon? 

"Ayos lang ako, Kuya. Ikaw ba? Si Papa, kumusta?" 

Umalis sa yakap si Kuya, "Ayos lang kami. By the way, happy birthday, Lil Sis," alanganing ngumiti ito sa akin. 

Nakakatawa ang itsura ni Kuya, parang nahihiya dahil kararating niya pa lamang. Maasar nga!

"Ewan sa 'yo, Kuya. Late kayo ni Papa," inirapan ko pa ito.

Lumambot lalo ang facial expression ni Kuya, "Matagal kasi akong nakatulog, Lil Sis," mahinang sambit nito. "Sa totoo lang ay kagigising ko lang kaninang umaga kaya hindi kami kaagad nakabalik ni Papa. Medyo nabugbog kasi ako sa training," nakangiwi pang dagdag nito. Tila inaalala ang training niya kasama si Papa.

Natawa naman ako dahil doon, "Ayos lang, Kuya, nagbibiro lang ako," sambit ko.

Maliit na ngumiti naman ito sa akin, "Alam mo na ba kung ano ang mga nangyayari?" tanong nito.

Tumango ako bago nilingon ang iba pa naming kasama. "Ang gulo gulo na ng mga nangyayari, Kuya," mahinang sambit ko.

Naramdaman ko namang tinapik tapik nito ang balikat ko. "Hmmm, 'wag ka masyadong mag alala, kasama mo naman kami," sambit nito bagama't parang siya nga ang mas nag aalala kumpara sa akin.

Nakita kong tahimik na lumabas si Ate Sho at sumunod naman dito si Rei. Paniguradong mag uusap silang dalawa. Mabuti 'yon, lalo na at ilang taon silang nagkahiwalay.

"Mirai," tawag sa akin ni Shinyu.

Nilingon naman ito nila Sena. Nagtatanong kung sino ito.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila, "Kuya Koku, Sena, Ian, Sir Sendo, si Shi---Hikari nga pala saka si Kage, sila ang mga kaibigan ko mula sa Seijo at sila rin ang makakasama natin sa training," pagpapakilala ko sa kanila. Hindi talaga ako sanay sa totoong pangalan ni Shinyu.

Nagtanguan naman ang mga ito at nagngitian. Napangiti nalang din ako dahil dito.

"Siguro ay gutom na kayo, kumain na muna tayo sa kusina tutal nag uusap pa naman ang magkapatid," aya ni Shinyu.

Doon lamang ako nakaramdam bigla ng gutom. Gano'n talaga siguro kapag preoccupied ka.

"Magkapatid?" tanong ni Sena.

Hindi nga pala nila alam ni Ian kung sino si Ate Sho. 

"Si Shinrei at si Ate Sho," sagot ni Kuya. 

Nilingon naman ito ni Sena, "Ha? Hindi ba't wala n---" naputol ang sinasabi ni Sena dahil nagsalita na kaagad si Hira.

"Buhay si Ate Sho at magkausap na sila ngayon ni Rei," sabat nito. 

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon