Chapter Two

145K 3.3K 377
                                    

Buong summer, nasa Manila lang ako. Hindi ako umuwi sa province dahil nagtatampo pa rin ako kila mommy at daddy. Buti na lang, may band at work ako kaya hindi boring ang summer ko. Wala na nga lang akong kasamang mag fan girl dahil wala na si Karen, pero ayos lang. Besides, ang dami naming pinupuntahan nila kuya Luke, Leighton, Logan, and Louie.

Tinanong nila ako kung bakit hindi kami nagkikita nila Karen, Quintin, AJ, BJ, at Luis, pero hindi ko sinabi ang totoo. The last time I told them the truth about Marcus, three of my cousins threatened him. Bata pa si Louie kaya hindi siya kasama, pero galit din siya kay Marcus.

"Busy siya. Mag-co-college na eh," I lied.

My cousins are my power rangers. Naalala ko noong bata kami, nagaaway pa kami kung anong kulay kami sa power rangers. Sobrang discrimation nga eh. Gusto ko maging si Red ranger, pero dahil babae ako, ako si Pink rager. Sa mga ganung times, they would treat me like a girl, pero most of the time, feeling nila lalaki na rin ako.

"Bach, ready ka na ba?" Tanong ni kuya Luke. I graduated highschool while he graduated college in the university where I will be studying.

"Oo naman." Bakit naman ako hindi magiging ready?

Lumabas na ako ng subdivision at nag-abang ng FX. I tried not be late dahil college na ako at kailangan ko ng magbagong buhay kaya 6 AM pa lang, nag-aabang na ako kahit 7:30 pa naman pasok ko.

6:30 AM na, pero wala pa rin akong masakyan. Damn, ayaw ata ako papasukin ng universe. After the very long wait, finally, may paparating ng FX. Binuksan ko yung pinto at laking gulat ko nang may sumakay na lalaki at inagawan ako ng upuan. Napanganga na lang ako sa gulat. Pagkakita ko, si Apa ang nasa loob

"Sorry, miss!" Mukhang hindi niya nakita kung sino ang inagawan niya ng pwesto sa FX. Ang tagal kong nag-abang tapos siya, kakarating lang. Excuse me?! Sinara ko nang malakas yung pinto ng sasakyan sa sobrang inis at nag-abang na lang ng panibagong FX. Tapos na, eh. Ano pa bang magagawa ko? Hindi naman ako pwede pumatay ng tao.

First day ko as a first year college student at kinakabahan ako. Ayokong makita 'yung ice cream cone na 'yun. Bwisit siya! Malaki naman ang campus kaya sana, 'wag kaming magkita. Ayoko siyang makita pati mga makukulit na team mates niya.

Pero mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana dahil nakita kong naglalakad si Dela Paz 19 kasama si Briones 12 sa hallway habang nagtatawanan. Si Ygona 3 naman, papalapit na sa kanila kasama si Tiglao 5. Tinawag ni Ygona 3 si Dela Paz 19 at...

May kumalabit sa akin. "Ags?"

"Ha?" May nakakakilala sa akin dito? Paglingon ko sa kumalabit sa akin, si Apacible na naman.

Huminga ako nang malalim. "Pinaparusahan ba ako ni Lord? Ayaw na kitang makita kaya pwede ba, umalis ka sa harap ko?"

Tumawa siya. "Paano ako aalis? Nakaharang ka sa pinto?"

"Don't tell me, classmates tayo?" I laughed as if I heard the most ridiculous thing in the world.

He tapped my shoulder, giving me his mischievous grin. "Parang ganun na nga." Hinawakan niya dalawang shoulders ko para umasog ako.

Okay, Ags. Chill ka lang. Chill lang!

Paano ko siya naging classmate? Paano?! I mean, 3rd year college na siya at ako naman, freshman. Classmate rin namin si Briones 12. Buti na lang, hindi ko classmates iba pa niyang team mates. Sinigurado kong malayo ang upuan ko sa kanila. Kung sa right sila umupo, sa left naman ako. Kung sa likod sila, sa harap naman ako.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon