Chapter Thirty Eight

60.8K 1.7K 258
                                    

I had the saddest first week of class ever. Nag transfer na si Bianca ng university at wala na rin sila Tigs at Dela Paz dahil graduate na sila. Si Ygona, busy sa girlfriend niya. Si Bri rin, may love life na. Dinideny niya, pero lagi naman silang magkasama ni Joyce.

Si Apa ang lagi kong kasama, pero may thesis, OJT, three classes, at soccer siya. Hindi pa naman siya masyadong busy, pero next week, sure akong wala na akong kasama.


Isa pa, inaayos pa rin niya yung med school niya. Hindi pa rin kasi siya nakakapagdecide kung saan siya mag-aaral.

Hindi ko rin kinaya yung mga professors ko this term. Yung isa sa kanila, pinakaterror na professor sa psychology department. Yung isa, bakla. Pag lalaki ka, pwedeng pakiusapan ang grades.


Pag gwapong lalaki, sure pass. Pag babae ka, malas ka. At yung isa ko namang professor, mabait, pero mababa magbigay ng grades. Mahilig rin daw mambagsak. Mapanlinlang!

Buti na lang, binigay sa akin ni Apa mga notes at books niya since tapos na siya sa mga courses ko. Noong tiningnan ko yung isang book, may papel na nakasingit.

'Because with hard work comes better grades. With hard work, everything is apacible. #IYKWIM' Ginawa pa niyang pun 'yung pangalan niya. Apacible as in POSIBLE. May point naman siya, though.

"Hi, Lex!"

Tumalikod ako para tingnan kung sino nag-salita, but I saw Dianne. Naglalakad na siya papunta sa amin at mukhang si Apa lang ang nakikita niya.


Bakit ba everytime nasa PS walk ako, nakikita ko si Dianne? Twice pa lang naman, pero kahit na.

"Uy. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Apa.

"I knew you'd be here. Dito na ako nag-aaral." No way! "I passed the exam already, hindi nga lang yung gusto kong degree program. Aren't you proud of me?"

Dalawang terms na lang si Apa, pero humahabol pa yung babaeng 'to. Lakas ng tama. Mukhang nag-aral talaga siya ng mabuti para makapag-aral dito.

"Oh, congrats." Apa just smiled and looked at me. "Kain tayo?"

We both looked at Dianne when she said, "I'll come with you!"

Walang kaming nagawa ni Apa at i-sinabay siyang kumain. Noong nakalabas na kami ng restaurant at naglalakad papasok ng school, huminto si Apa at binulungan ako na maghintay. Hinila niya si Dianne sa gilid. May mga dumadaan sa gitna kaya gumilid rin ako.

"Dianne, this is Ags," He said. "My girlfriend."

She nodded. "Informed naman ako. Pinakilala mo na siya sa akin dati eh."

"But you acted like you didn't see her."

"You're weird, Lexter." Sumama yung tingin ni Dianne kay Apa. "Hindi ka naman ganito dati noong kayo pa ni Ate. Isa pa, it seems like you're avoiding me. What did that girl to you? You've changed a lot, Lex. I'm so disappointed."

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon