Chapter Forty

55.4K 1.8K 371
                                    

Chapter Forty

5:30 PM pa lang, nasa bahay na si Apa kahit 7 PM pa naman yung dinner. Kinulit lang niya sila uncle, auntie, at mga pinsan ko. Truth to be told, gusto ko na laging nandito si Apa kasi pag nandiyan siya, masaya lahat.

Pag kami-kami lang kasi, parang laging down ang atmosphere. Lagi kong nakikitang umiiyak o namumula ang mata ni auntie Lynne. Si kuya Luke naman, laging nasa trabaho para may maitulong sa pagpapagamot sa daddy niya kaya pag dating sa bahay, lagi rin siyang pagod.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko kila uncle at Apa. Paano ba naman kasi, lumalabas silang dalawa ng kwarto ko eh nandito kaming lahat. Gusto nilang mag solo.


Syempre, sino o ano pa ba ang pag-uusapan nila, diba?

Hinawakan ni auntie wrist ko. "Hayaan mo na."

"Babackstab-in ka lang namin, wag kang mag-alala," Sabi ni Apa kaya muntik ko ng mabato yung unan sa kanya. I let them talk kahit kinakabahan ako.


Pag pasok nila sa room ko, tawa lang sila nang tawa.

"Anong meron?" Sabay naming tanong ni auntie.

Tiningnan ako ni Apa ng nakakaloko. Ano na naman?!

"Naihi ka pala sa skirt mo noong grade 5 ka?" May isang teacher kasi akong kinakatakutan noon tapos hindi ako makapagpaalam para mag CR kaya naihi ako sa skirt ko. Nabully ako dahil doon at si uncle Julius ang sumugod sa school para pagsabihan teacher at classmates ko.

I closed my eyes, while biting my lower lip. "Uncle!"

"Pasensya na, napasarap kwentuhan namin."

"Hindi halata." I rolled my eyes.


Hindi lang sila ang tumawa, pero pati mga walang hiya kong pinsan. Bad trip! Hanggang sa hindi ko namamalayan, napagkwentuhan na nila halos lahat ng embarrassing moments ko noong bata ako. Nakakahiya. Hindi lang childhood ko, pero hanggang sa nag highschool ako.

Habang naglalakad kami papuntang bahay nila, Apa was teasing me the whole time. Ang dami ko daw embarrassing moments. Pinagtatawanan nilang lahat tragic moments ng buhay ko. Err.

"Bilisan mo na nga," I told him.

Lagpas 7 PM na at for sure, hinihintay na kami ng family niya.

He strangled me jokingly. "Sandali lang, may sasabihin ako."

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Fak.

"A-aw!" I removed his hand from my neck. "Ano sasabihin mo?"

Hinawakan niya dalawang balikat ko. He smiled slightly. "Alam mo na no?"

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon