Chapter Eleven

80.5K 2.4K 372
                                    

Pumasa ako sa lahat ng tests at quizzes ko, hindi ako makapaniwala! Ganito rin kaya nafifeel ng mga magsasaka pag nagbunga mga tinanim nila? Ang saya saya ko.

Tinawagan ko si daddy, "Anak? Napatawag ka?"

"Daddy! Pasado ako sa midterms! Wala akong bagsak, OMG! Uuwi ako sa Friday," Holiday kasi sa Friday, so yeah, cheers for the long weekend. "Pasabi na lang kay mommy at Arvin."

"We're proud of you, anak. Buti naman uuwi ka na. Maghahanda ako ng mga paborito mong pagkain. Miss ka na namin ng mommy mo."

Hindi pa naman ako abandoned child. Mahal na mahal nga ako ng parents ko, diba? Ipaghahanda daw nila ako ng mga favorites ko! Minsan talaga, feeling ko, ang bipolar ko. Mabilis lang kaming nag-usap ni daddy dahil may work pa siya.

"Hindi ka pa rin ba pinapansin ni Apa?" Tanong ni Bianca. Masaya rin siya dahil parehas kaming pasado.

"Pinapansin naman niya ako, pero di na tulad ng dati," Sabi ko.

"Ano ba kasing ginawa mo?"

I shrugged my shoulders, "I really don't remember."

Magkasama pa rin kami mag lunch at naguusap pa rin kami ni Apa, pero hindi na niya ako kinukulit. Kasama pa rin nila akong mag simba at makulit pa rin siyang tao pwera lang sa akin. Nakakainis kaya!

Isang beses, inaya ako ni Tigs manood ng game nila. Pumunta yung ibang team sa school namin para makipagcompete tapos nanalo kami. Nakipag apir, fist bump, at yinakap niya lahat including Bianca tapos noong nakita niya ako, aapir na sana siya, pero bigla siyang tumigil at tinalikuran ako tapos sumigaw ulit. Bastos lang! 

"Isipin mong mabuti kong anong ginawa mo!" Sabi ni Bianca sa akin. Oo nga pala, nagpupunta na siya sa bahay namin at nagpupunta na rin ako lagi sa bahay nila dahil kami lagi ang partners sa projects and papers. Nakakatawa nga siya dahil nagbublush siya pag nandiyan si kuya Luke. Ang touchy pa naman ni kuya kaya kilig na kilig ang gaga.

"Hindi ko nga alam," Hindi ko talaga maalala kung ano yung ginawa ko! Tinanong ko na nga rin sila Briones, Dela Paz, Ygona, at Tigs, pero hindi rin nila alam. 

Kakatapos lang ng midterms kaya ngayon ko lang narealize na medyo iniiwasan ako ni Apa. Nag-isip akong mabuti at inalala yung last naming paguusap. Sa library 'yun eh. Tinatanong niya kung kailan ko siya iaaccept sa Twitter, Instagram, at Facebook tapos ang sagot ko, pag hindi na siya makulit. 

OMG! Don't tell me, sineryoso niya yung sagot ko?!

Tumawa ako nang tumawa kaya tinanong ni Bianca kung anong nangyari sa akin. Sabi ko, alam ko na kung bakit niya ako iniiwasan. Kinuha ko yung phone ko at inaccept siya sa Facebook. Inaccept ko rin siya sa Instagram at Twitter. Finollow back ko na rin para complete package. Akalain niyong libo-libo na ang followers niya?

May 2k followers ako sa Twitter at Instagram, pero yung sa kanya, more than 50K na. Ano siya, artista? Tiningnan ko background niya sa Twitter. Commercial model rin pala siya. Chineck ko yung mga tweets niya. Hindi sa nagfifeeling, pero feeling ko talaga yung tatlong tweets niya para sa akin. Assumera na kung assumera pero para sa akin talaga 'yun!

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon