Chapter Forty Four

57.8K 1.5K 638
                                    

Chapter Forty Four

Hindi ko pinansin sinabi ni Ygona. Kaibigan siya ni Apa, for chrissakes. Wala ba silang bro code o hindi lang talaga siya sumusunod sa mga codes or whatsoever? Hindi ako manhid at tanga. I knew what he was trying to say.

Pumasok kami sa loob. Tinanong ko si manang kung nasaan sila kaya sinamahan niya kami papuntang dining room. Nakaupo na silang lahat pati mga parents ni Bri.

Nagtinginan silang lahat sa amin ni Ygona. Yung mga tingin nila, punung puno ng pandududa. Si Apa lang ang parang walang pakielam. Kuha lang siya nang kuha ng pagkain sa table kahit may laman pa bibig niya.

"Oh, ayan na pala yung mag syota. Halina kayo't kumain na." Bri's dad motioned us to sit beside Apa. May dalawang vacant seats pa kasi sa tabi ni niya.

Hindi pinansin ni Ygona mga tingin nila at nag tuluy-tuloy lang papuntang table. Kumuha siya ng dalawang plates, spoons, and forks para sa aming dalawa. Muntik ko ng hindi tanggapin, pero tinanggap ko pa rin.

"Kumain ka na," he told me.

"Okay."

Habang kumakain, hindi na ako nakatiis. "Tito, hindi po kami." I smiled, pero mas naging awkward lang dahil nag tanong na naman siya.

"Nililigawan o liligawan pa lang?" Tanong naman ng mommy ni Bri.

I shook my head and answered no, but they didn't believe me.

Gusto kong sabihin kay Ygona na magsalita siya, pero h'wag na lang. Mukha namang wala siyang pakielam. Habang kumakain, pinagtitripan kami ng parents ni Bri. For sure daw, may 'something' kami.

"Wala po talaga," I responded until napagod na akong sumagot ng 'hindi' at hindi na lang ako nag salita hanggang sa matapos yung pag kain.

I was about to stand up when Apa stood up. "Salamat po sa pagkain. Magpapahinga lang po, busog eh." He was rubbing his stomach.

Umalis siya at sinamahan siya ng maid papunta sa kwarto niya.

Bri shook his head. "Ma, Pa, anong ginawa niyo?" Halatang bad trip siya.

"Bakit? Anong ginawa namin?" His mom asked. They looked really clueless.

"Kakabreak lang nila Apa at Recto. Utang ng loob naman!" Umalis si Briones at mukhang sinundan niya si Apa.

Nag salita naman si Joyce. "Sorry po. Mainit ulo niya lately dahil sa akin."

Bri's mom shook her head. "It's not your fault, iha. It's ours." Tiningnan nila ako. "Sorry, ha. Akala talaga namin-"

"Okay lang, tita."

Dahil sa pagod, natulog muna kami, pero kahit anong gawin ko, hindi ako makatulog. Gaya ng dati, magkahiwalay kwarto ng mga lalaki at babae, pero hindi naman daw strict parents ni Bri kaya pwede kaming mag sama-sama sa isang kwarto.

"Ags, does Charles like you?" B asked pagkagising na pagkagising ko. Kami lang ni Bianca ang nandito.

"No." But she looked at me like I was obviously lying. "Fine, hindi ko alam. Siguro. Baka. Pero ayoko."

"Alam ko naman 'yun. Naaawa lang ako kay Lex."

I heaved a sigh. Oo na, kasalanan ko na naman.

Lumabas muna ako para magpahangin at sakto namang papasok si Joyce. Tinanong ko kung nasaan sila Bri, pero hindi niya sinabi.

"Nag-away na naman kayo?"

She sighed. "Ano pa nga ba? Ugh. I just can't control my fcking mouth!" Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kwarto.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon