Chapter Twenty Eight

83.5K 2.1K 394
                                    

It's been almost a month since I answered Apa. Yung invitation pala ni binigay ng kapatid ni sister Doms kay Apa, para pala 'yun sa kasal ng kapatid nila. Inaaya nga ako ni Apa pumunta kahit hindi naman ako invited.


Hanggang ngayon, hindi pa rin ako pumapayag. Duh, hindi naman kasi ako invited. Isa pa, family 'yun ng EX niya. Ayoko umepal. Baka akalain pa nila, bantay sarado si Apa which is not the case.


Noong first week naman ng November, sinundo niya ako sa bahay namin. Kahit evening pa naman yung halloween party, 4 PM niya ako sinundo. Forever early bird talaga siya. Nakacostume na kami parehas. 


Ako yung angel, siya naman yung devil. He was wearing a black headband na may sungay na umiilaw. Itim pa nga lipstick niya at may dala rin siyang malaking tinidor.


"Saan tayo pupunta?" Tanong ko noong napansin kong hindi yun ang way papunta sa venue ng party, pero hindi niya ako sinagot. In fairness, bagay sa kanya costume niya. Hindi nga lang bagay sa ugali niya.


After 30 minutes, nakarating kami sa cemetery. Alam ko na agad kung sino pupuntahan namin. Bumaba kami at naglakad habang may dala siyang basket. Dala ko naman yung bulaklak. Hindi niya rin binibitawan kamay ko.


"Hi, ma. Hi, pa," Sabi niya. "Girlfriend ko." Magkatabi yung puntod nilang dalawa. Naglatag siya ng mat sa damuhan at doon kami umupo. "


Binigay ko yung flowers sa kanilang dalawa, "Hi, tito and tita."


"Oh, ano? Ganda niya, diba? Sabi naman sa inyo magaling akong pumili eh," Sabi ni Apa sa kanila at nag kwento na. Habang nakikinig ako sa mga kwento niya, gusto kong maiyak. Hindi dahil sa kwento niya, pero dahil kahit anong kwento niya, walang sumasagot sa kanya.


I just can't imagine my life without Arvin, mommy, daddy, uncle Julius, auntie Lynne, and my four cousins. Mababaliw ako pag nawala isa sa kanila. Hindi ko ata kakayanin.


"Sabihin mo naman sa kanila mahal mo ako," Sabi ni Apa.


"Ayoko nga," Sabi ko, pero tiningnan niya ako nang masama. Parang bata talaga! I smiled and said, "Tito, tita, mahal ko po anak niyo." tiningnan ko si Apa. "Ano, okay na?"


He smiled, "Oo kaya lang labas sa ilong eh." Totoo kaya! Hindi ba siya naniniwalang mahal ko siya?


Once a week nga rin pala kaming nagvovolunteer. Si Apa naman, once to thrice a week kasi tatlo yung organizations niya. Bilib talaga ako! Paano niya napagkakasya yung oras niya? Ako nga, band at acads pa lang, mababaliw na. Ang saya ko nga dahil ang lakas na ni Jigger. Tinuturuan na nga siya ni Apa mag soccer. Pag marunong na daw siya, maglalaro daw kami.


Pasok din kami sa semi-finals ng Battle of the Bands. As usual, supportive na naman ang soccer team kasama si Bianca na parehas binasted sila Tigs at Briones kaya hindi nagpapansinan ang dalawa ngayon.


Dahil doon, dalawang beses silang natalo. Nakikita ko nga yung mga teammates nila lalong lalo na si Apa pag nagpapractice sila dahil hindi nagbibigayan ng bola yung dalawa.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon