Chapter Four

115K 2.7K 384
                                    

Who is he? Sa field, sobrang seryoso niya. Nakakatakot nga pagkaseryoso niya eh. Ibang iba! In reality, sobra naman siyang maloko. Matagal na kaming magkakilala, ako as his rival's girlfriend and him as my boyfriend's rival. I see him as my enemy while he sees me as... what? A toy? Who would have thought he would be my cousin's tutor, right? Right?!


As we were eating, someone pressed the door bell. Sabi ko kay uncle Julius ako na magbubukas ng pinto, pero inunahan na niya ako. Kumakain kasi kami ng burger. 


"Ice cream cone!" May sasabihin pa sana ako, pero sumagot agad siya.



"Bakit? Ah, wait. Figueroa middle name mo, diba? Ano gusto mong tawag ko sa'yo, Figgy or Piggy?" Ngumiti siya. "Call me ice cream cone and I'll call you Piggy... o baka naman mas gusto mo yung Bach? Okay lang rin naman." He shrugged and continued eating.


Nilagay niya sa table yung picture ko. Kukunin ko sana dahil busy siya kumain, pero kinuha niya agad at nilagay sa loob ng bag niya. Ugh, this guy! I shook my head in disbelief. Bakit ba kasi siya ganito?


Habang nakangiti siya sa akin at masama naman ang tingin ko sa kanya, bumukas na yung pinto at sunud-sunod na pumasok sila uncle Julius, AJ, Quintin, BJ, at Luis. Nagpaalam muna si uncle Julius. May bibilin lang daw siya sa grocery.


Napansin kong may dalang bowl si Luis na may lamang gold fish. 'Yun ba yung sinasabi nilang gift nila sa akin? Wow naman! 


"Para sa akin ba yan?" Hindi ko napigilan sarili ko at tumakbo ako papunta sa kanila. Tulala pa rin sila kaya winave ko na yung hand ko sa mga mukha nila. "Earth to everyone. Earth to everyone. I'm here!" Obviously, kay Apa sila nakatingin.


Kinuha ko yung fish bowl kay Luis at binaba sa table saka ako yumuko ng konti with my hands on my knees. Tinitigan ko yung gold fish. Yes! May bago na naman akong alaga. May tatlo akong aso na iba-iba ang breed at limang pet fish. 


"Anong nangyayari?" Tanong ni Luis.


I looked at them, they were still dumbfounded, "What do you mean?"


"Wala," Sagot niya, pero halatang may gusto pa siyang sabihin. "Bakit siya nandito?" Bulong ni Quintin kila Luis. Kumakain pa rin ng burger si Apa na parang walang pakielam sa mundo. Nakakatatlong burger na siya!


"Takaw," Bulong ko, pero narinig ako ni Apa kaya napahinto siya sa pagkagat ng burger. Mukhang napansin na niya sila Luis, Quintin, BJ, at Luis. Nag 'hi' siya sa kanila kaya nag 'hi' rin sila. Pinaupo pa nga niya sila kaya magkakatabi na kami. Kapal ng mukha ng isang 'to.


"Bahay mo?" Tanong ko sa kanya.


"Pwede rin," Sumandal siya sa upuan at nilagay yung dalawang paa niya sa table. "Ang sarap. Saan niyo nabili yung burger?"


"Di halata, nakatatlo ka nga eh," I sighed and looked at him. "Sa burger resto ni uncle. Bumili ka kung gusto mo pa. Tss, hindi ka ba pinapakain sa inyo?" Tumayo ako at kinuhanan ng burger sila Luis. "Kumain kayo oh. Baka sabihin niyo di ko kayo pinakain."

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon