Epilogue

124K 2.9K 1.1K
                                    

Epilogue

Jersey shirt and shorts- check

Protective equipment- check

Soccer shoes- check

"Perfect!" Later would be his final match for their alumni soccer game. Ready na lahat pati si Ash short for Ashton Julius Recto Hizon. 3 years old na siya at manang mana siya sa tatay niya. He was a complete goof ball!

Hindi siya masyadong umiiyak. Madalas, umaarte lang siya kaya pag nasunod niya yung gusto niya, he would giggle and laugh loudly. Hindi rin siya sa takot sa mga tao.

In fact, excited at curious nga siya pag maraming tao. Kaya gustung gusto siya ampunin ng lahat. Sabi ko nga sa kanila, ampunin na nila. Sobrang magkasundo sila ng tatay niya. Lagi nila akong ginagalit! I needed to remind myself to stay calm in order to react properly.

Isang beses nga, pag-uwi ko sa bahay from the grocery store, nakapatay na lahat ng ilaw. Halloween kasi 'nun. Pag bukas ko ng ilaw, muntik na akong himatayin. Puro nakakatakot yung decorations. May mga bats at spider webs pa. Ginawa nilang haunted house yung bahay. Pati yung mga aso, may costumes. Hindi ko kinaya!

I looked for Ate Gloria, our helper, but she was nowhere to be found. Sinong maglilinis nun pagkatapos, 'di ba? Syempre, ako! Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa kwarto.

Pag bukas ko ng ilaw, ginulat nila akong dalawa. "Happy Halloween!" they shouted with their creepy voices and evil laughs. Naka-complete costumes pa sila at nakakatakot talaga itsura nila.

Napahawak na ako sa chest ko. Kung mamamatay man ako, silang dalawa talaga ang dahilan. Tawang tawa lang sila sa reaction ko tapos nag high five pa.

After their 'surprise', may hinanda silang mga pagkain para sa akin. Kaya hindi ko rin sila matiis dahil pagkatapos nila akong highblood-in, may pambawi agad.

Back to our present lives...

"Let's go, mommy. Let's go!" Naka-baseball cap kaming tatlo at pare-parehas din yung suot namin. Apa and Ash's hair were tied into a poodle hairstyle. Para silang kambal!

Nagpatahi pa talaga si Apa ng jersey na katulad sa team nila para sa amin. Sa likod, may nakasulat na, 'I LOVE #21'. Hindi lang kami ni Ash ang meron, pero pati na rin yung iba naming anak.

Yes, our dogs. We would treat them as our own children. May sarili nga silang helper para in case na wala kami, hindi malilito si ate Gloria kung sino uunahin niya. Si Ash ba o yung mga aso?

"Are you that excited to see your daddy play?" I asked Ash.

"Yes! Yes! Yes!" nagtatalon siya at pumunta sa daddy niya. "Yeeeees!"

Binuhat niya si Ash. "Sino mas love mo, si daddy or si mommy?" Lagi niyang tinatanong 'yan, pero never naman siyang pinili kahit alam kong niloloko lang niya si Apa. He was a daddy's boy.

"Mommy!" See?

Apa gave him a disappointed look and put him down. "I'm so disappointed."

"I love you..." saka niya ako tiningnan. "Mommy!" saka siya tumawa ng tumawa. Hindi kami nakaalis agad ng bahay dahil nagkilitian at nagkulitan pa sila at dinamay pa nila ako kaya late na kami.

Nakatanggap pa ako ng tawag galing sa driver na sira yung sasakyan kaya pinagawa niya na muna. Late na kami! May isa pang car, pero iniwan ko sa bahay nila Auntie Lynne.

"Okay, guys. Atteeeen-tion!"

Nag salute sila parehas.

"We're going to commute kaya kung pwede, wala munang magulo. Are we clear?" I reminded them their dos and donts, para makarating kami nang mapayapa sa pupuntahan namin.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon