Chapter Eight

89.7K 2.4K 258
                                    

Inaya ko sila Luis, Quintin, AJ, at BJ mag KTV dahil stressed na stressed na talaga ako. Una, sinugod sa hospital si Arvin, kapatid ko, dahil may sumuntok sa kanya. Kahit gusto kong umuwi, hindi naman pwede, dahil pangalawa, ang daming ginagawa sa school.

Sinabi ko naman na stressed ako, diba? Pangalawang week pa lang ng college life ko, pero bagsak na agad ako sa first quiz. Ibig sabihin, may ihihirap pa 'yun! Paano pa sa second, third, and fourth? Paano pa pag finals na? Magbibigti na lang ba ako?

Kung may una at pangalawa, meron ding pangatlo. Pangatlo, nakita ko sila Karen at Marcus kanina. Akala ko ba hindi sila masaya? Bakit ang landi landi nilang dalawa?!

*FLASHBACK*

"Uy, ex mo ba 'yun?" Tanong ni Tiglao aka Tigs.

Akala ko niloloko na naman niya ako kaya hindi ako tumingin sa likod, pero lahat sila, seryosong seryoso talaga yung mukha. Sa maliit na kainan lang naman kami kumakain. Hindi naman kasi sila maarte. Hindi rin namin kasama si Bianca dahil may kikitain siyang highschool friend.

"Totoo nga?" Tanong ko.

"Kasama bestfriend mo," Sabi naman ni Apa.

Tumingin ako sa likod at nandoon sila Karen at Marcus sa Japanese restaurant across us. Parang ang saya saya nila. Magkaholding hands pa sila at may pakiss kiss pa sa cheek si Karen tapos ibabalik naman ni Marcus yung kiss ni Karen at hahalikan naman siya sa lips o kaya sa ulo. 

"Seloooooos!" Sabay sabay nilang tukso sa akin. Tumatawa pa sila. 

"Ha ha ha nakakatawa," I told them and continued eating. 

"Akala ko ba, di ka na affected?" Tanong ni Briones. Okay na kaming dalawa ni Briones. Nakapagusap na rin kami. Sabi ko sa kanya, hindi talaga ako interested. Okay lang naman sa kanya.

Sinabi ko rin na alam ko na yung totoong nangyari noong Friday dahil may mga nakakita at sinabi sa akin. Nag sorry lang siya sa akin at sinabi ko naman sa kanyang wag niyang sasabihin kay Apa na alam ko.

I cleared my throat and looked at them, "Medyo pa pala." Iba pala kasi talaga pag mismong ikaw na ang nakakakita ng lampungan nila. Akala ko di na ako affected dahil hindi kami nagkikita. Mali pala. Saklap ng buhay ko, ano ba!

*END OF THE FLASHBACK*

"Recto, soccer tayo!" Aya sa akin nila Tigs. Umakbay pa nga sa akin. 

"Busy ako," Sabi ko. Kakatapos lang kasi ng klase ko at pupuntahan ko na sila Luis sa Red Box. Mukhang kakatapos lang nilang maglaro dahil basa pa buhok nila. 

Kasama ni Dela Paz girlfriend niya habang si Ygona naman, busy paglaruan yung soccer ball. Magkatabi sila Briones at Apa habang nagtatawanan. Naguusap sila habang may katext si Apa. Kaya nga kaming dalawa ni Tigs ang naiwan.

"May night class ka pa, diba? Di ka na naman papasok?" Tumawa ako. 

"Katamad eh," Sabi niya.

"Gago, pumasok ka na! Gusto mo bang mag extend?" 

Mukha siyang nagulat, "Paano mo nalaman?" Dalawang semesters na lang, gagraduate na siya, pero ayaw pa niyang pagbutihan. Siguro ayaw niya lang iwanan yung soccer team. I won't deny it. Lahat sila, dedicated talaga sa sports nila. Kahit makukulit sila at manyak, seryoso sila sa ginagawa nila. 

"Pre, chix oh!" Sabi ni Tigs kay Ygona.

Nahulog tuloy ni Ygona yung bola niya, "Saan?" 

"Biro lang," Tumawa nang tumawa si Tigs.

Binatukan lang siya ni Ygona at sinakal, "Wag kang sasabay umuwi sa akin mamaya!" 

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon