Chapter Twenty Three

91K 2.4K 382
                                    

"Ags, gising na. Nandito na manliligaw mo."

I opened my eyes and saw auntie Lynne, "Auntie... 5 minutes..."

"Hindi mo ba narinig sinabi ko? Nandiyan na manliligaw mo. Sinusundo ka na!" Tumingin ako sa wall clock ko at tumakbo papuntang CR. Tumutumba tumba pa ako dahil kakabangon ko pa lang. Ang sakit ng ulo ko. Nag paalam ako sa kanila ni uncle Julius at umalis na.

Simula noong madischarge si uncle Julius sa hospital, dito na nagsstay si auntie Lynne. Yung business sa province, sila mommy at daddy na muna yung bahala. Naiintindihan nila na kailangan alagaan ni auntie Lynne si uncle Julius pati na rin mga anak nila.

Ang ingay nga ng bahay eh. Sigaw kasi nang sigaw si auntie Lynne dahil pasaway lahat ng anak niya. Pinagsasabihan na nga namin siya na kumalma dahil masstress si uncle Julius, pero hindi niya talaga mapigilan. Apat na makukulit na lalaki ba naman ang anak niya eh.

"You're late, Ms. Recto," Pinakita sa akin ni Apa yung watch niya. Antok na antok pa ako kaya wala ako sa katinuan. 9 AM pasok ko, pero napasarap tulog ko. Nag lakad kaming dalawa at nag abang ng FX. Pag upo pa lang sa FX, humiga na ako sa balikat niya at natulog.

Lagi na lang ako puyat. Kung hindi dahil kay Apa, dahil sa band. This time, puyat ako dahil late na natapos yung practice sa band. One week na lang, battle of the bands na. Back-up singer lang naman ako, pero ako yung minamalat. Kailangan ko ng magpagaling.

Minsan sa practice, sumasama si Apa at nakikigulo. Biro lang. Truth is, malaking tulong si Apa. Ang dami niyang sinusuggest at pag may napapansin siyang mali, sinasabi niya. If I know, mas pagod pa siya sa akin. Sa practice nga namin minsan, nakakatulog na siya. Kaya nga sinasamahan ko rin siya sa practice nila at nanonood ako pag game nila. Ang galing nga dahil wala pa silang talo.

Pagbaba namin ng FX, inayos ni Apa yung sleeve ng shirt ko.

"Kita yung strap," Sabi niya.

Recently, napapansin kong nagiging protective si Apa. Noong isang beses nga, habang nagtatawanan kami nila Tigs, bigla niyang sinabing, "Wag ka ngang bumukaka. Para kang di babae eh." Natahimik tuloy lahat at niloko kami. Mas lalo ko siyang nakikilala, mas lalo kong nararamdaman pagiging caring niya. 

Habang naglalakad kami papunta sa classroom ko, huminto ako, "Ginayuma ba kita o ako ang ginayuma mo?"

He gave me a weird look na nag transform into a laughter, "Anong pinagsasabi mo? Syempre, ikaw yung gumayuma sa akin." Inirapan ko lang siya. Bwisit! Pag hatid niya sa akin sa room ko, umalis na siya. Oo, hinahatid niya talaga ako sa room kahit magkaiba kami ng building. 

After ng klase, pinuntahan ako ng ibang blockmates ko. Nakakausap ko naman sila, pero hindi ko sila nakakasama unless may group projects and exams. Sabi ng iba, kaya daw hindi nila ako malapitan kasi intimidating ako at close kami ni Bianca sa mga sikat.

"Ags, ang gwapo talaga niya," Pearl squealed. 

"Bagay na bagay sa kanya long hair niya!" Sabi ng isang kaibigan niyang si Hanna.

Binawal sila ng isang blockmate ko na lagi naming kagroup ni Bianca, si Jayson, "Wag niyo na ngang guluhin si Ags. Inggit na naman kayo eh." 

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon